^

Punto Mo

600 kotse, regalo ng isang company sa India sa mga mababait na empleyado nito

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAAN-DAANG kotse ang ibinahagi ng isang kompanyang nagbebenta ng diyamante sa mga empleyado nito bilang regalo.

Nasa 600 empleyado ng Hari Krishna Exporters, isang diamond trading company dun na pagmamay-ari ni Savji Dholakia, ang nakatanggap ng tig-iisang mga sasakyan, samantalang nasa 1,000 staff ng kompanya ang nabiyayaan ng cash deposits at apartment units sa isang malaking outdoor ceremony na isinagawa sa Surat, Gujarat.

Tradisyon na sa Indians ang pagbibigayan ng regalo kapag malapit na ang Diwali, na isang pangunahing Hindu festival. Ngayong taon ay ipagdiriwang ito sa darating na Nobyembre 7.

Dinaluhan pa ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang seremonyas, kung saan siya mismo ang nagbigay ng susi ng mga bagong sasakyan sa ilang mga masusuwerteng empleyado ng kompanya.

Kilala ang may-ari ng diamond company na si Dholakia sa pagiging galante nito sa kanyang mga empleyado tuwing Diwali.  Noong 2016, naging laman din ng balita ang kompanya matapos itong mamigay ng apartment units sa mga empleyado nito.

Ngayong taon ay tinatayang nasa $2 million (katumbas ng higit P100 milyon) ang ginastos ng kompanya para lamang sa 600 sasakyan na ipinamigay nito.

Sa rami ng mga regalong ipinamimigay sa huling bahagi ng taon kung kailan sunud-sunod ang mga Hindu festivals ay ma-laki ang naitutulong nito sa pagpapalago ng ekonomiya ng India.

Ayon sa kompanya, para lang sa mga empleyado raw na nagserbisyo ng tapat ang mga ipinamudmod nilang mga regalo.

“The aim of this program was to reward employees’ loyal­ty and dedication towards the company,” ayon sa isang Facebook post ni Dholakia.

vuukle comment

KOTSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with