^

Punto Mo

Galitin n’yo ko, ipapahiya ko kayo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MABILIS ang aksyon namin sa mga reklamo. Hindi puwede ‘yung mga patumpik-tumpik at maraming paliguy-ligoy. Kilos Pronto dapat ang aksyon at solusyon.

Kaya naman di uubra sa amin ‘yung mga babagal-bagal, lalo na sa mga kasong distressed overseas Filipino workers (OFWs).

Nitong nakaraang linggo lang, OFW sa Saudi, sinasaktan, sinasampal, sinusuntok ng sadista-demonyong amo. Hindi pa natuwa at nakuntento ang impakta. Reklamo ng kapatid ng OFW, pinapalo rin ng panluto ng lugaw ang kanyang ate.
Kasingsama ng malansang isda ang ugali nitong Arabong amo. Pag nagkamali, bawas pa sa sweldo. Napaka-demonyo. Imbes na ipon, bugbog ang naipundar ng kinawawang OFW.

Tapos, bubugbugin naman sa trabaho. Tatlong oras lang ang pahinga… trabaho to the max. Sinong hindi magagalit?

Recruitment agency, di mo maintindihan, ayaw pang pauwiin. Gusto sa December pa dahil may pinirmahang kontrata.

Makinig kayo. Paano pag di na umabot ‘yung pobre ng Disyembre? Mananagot ba kayo? Umpog ko kaya mga ulo n’yo? Hindi makakarating sa amin ang reklamong ito kung ginagawa n’yo ang trabaho.

Cargo n’yo itong OFW, kailangan alagang-alaga at ayos ang kanyang lagay sa ibang bansa. Magkaroon lang ng konting problema, kayo dapat ang unang tutulong.

Diretsahan na tayo. Kung hindi matulungan ang pinaalis, ano pang silbi n’yo? Collect and deploy? Fix this. Entiende?

Kinukuha rin namin ulit ang attention of OWWA to move fast on this. Hindi puwede ang babagal-bagal dito. Galit ang Presidente sa mga makukupad sa gobyerno.

I practice and implement the same template to my people. Kailangan may accomplishment, hindi puro trabaho. Work hard, work smart, and work fast.

Am I angry? Yes, I am. Baka natutulog na sa pansitan ang mga tauhan n’yo diyan. Pakuya-kuyakoy pa, patingin-tingin lang sa oras, pagkatapos lalayas na.

Delikado ang buhay ng OFW. This needs to be done ASAP. Bubulabugin na namin kayo rito, pati na ‘yung kumag na recruitment agency.

Rescue at repatriate na agad ito para mailayo na sa mga mapanakit na amo. Plain and simple.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with