^

Punto Mo

VAT nga ba?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

TINGNAN mo nga naman,  kailangan pa talagang madale ng grabeng inflation ang mga probinsiya sa Philippines my Philippines para lang masabing kailangan nang isuspindi ang value added tax para sa mga pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin.

Aba, eto na si Madam Imee Marcos, ang Gobernador ng Ilocos Norte na humataw agad. Dahil nga naman sa Ilocos at Davao pala ang pinakadapa sa pagtaas ng inflation.

Talaga namang ngayon na dapat masuspindi ang VAT sa pagkain, petrolyo at kuryente.

Ibinida ni Imee, huwag na raw hintayin pa ang pagsuspindi sa second round ng pagtaas ng excise tax sa susunod na taon. Malaki nga namang ginhawa ito sa madlang pinoy kung ito ay matigil sa pinakamadaling panahon.

Paano naman kasi, yung mga isda, gulay at bigas ang nagpapatindi ng inflation. Mas apektado rito ang karamihan madlang pinoy sa Philippines my Philippines na isang kayod-isang tuka kada araw.

Tumataas naman talaga ang collection ng mga buwis natin. Kaya’t mungkahi ni Madam Imee na baka kailangan ng 10 porsyentong pagtaas pa ng buwis para kayanin nang maibsan ang epekto ng isang pansamantalang suspension sa VAT.

Bagama’t nga naman panlima sa ating overall tax revenue ang VAT na nagkakahalaga ng P365 bilyon, kaya naman saluhin ang pagkawala nito sa tumataas na tax revenue dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.

Baka nga rin naman lalong bumilis ang takbo ng ating ekonomiya dahil may hangal, este halalan na naman sa sa 2019, ayon kay Madam Imee na deklaradong kandidato para senador.

Mukhang happy days are here again, ika nga sa maraming taong nag-aabang sa eleksiyon.

Pero hindi na dapat hintayan pa ang kampanya. Matanong ko lang, kailangan pa bang magdalawang isip ang ating pamahalaan para makitang lalong pampahirap ang VAT dahil sa tuluyang pagtaas ng inflation?

Sa totoo lang, wala akong makitang sagot sa tuluyang pagtaas ng inflation.

Lahat maraming paliwanag, pero dapat konkretong aksyon na!

 Huwag na nating sabihing kailangan pa ng isang maimpluwensiyang pulitiko tulad ni Madam Imee o Boss Digong ang umuurirat sa ating mga mambabatas at mga economic managers, para makitang hirap na hirap na ang madlang pinoy.

Oo, baka nga medyo gumanda naman ang takbo ng ekonomiya sa 2019, pero babalagoongin naman ang marami nating pulitiko sa balota dahil wala silang nagawa para maibsan ang kahirapan ng madlang pinoy!

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

vuukle comment

VALUE ADDED TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with