^

Punto Mo

Police visibility lalong pang palakasin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Habang papalapit nang papalapit ang holiday season, mistulang aktibo na sa kanilang operasyon ang mga kawatan na holdaper, snatcher at iba pang grupo na may kanya-kanyang modus operandi.

Kasi nga kung gaano  ka-busy ang ating mga kababayan sa paghahanda sa holiday season, siya rin namang busy ang mga kawatan sa kanilang operasyon para mangulimbat sa kanilang kapwa.

Araw-araw na lang halos, ang nagaganap na engkuwentro sa mga kawatan na bumibiktima sa marami nating mga kababayan.

Katunayan ito, na puspusan ang pag-atake ngayon ng mga kawatan o kriminal.

Inaasahan  naman ng PNP na kapag  ganitong ‘ber months’ talagang nagkalat at aktibo ang mga kawatan at pagtaas ng mga petty o street crime.

Kaya nga marahil ay dapat lalong palakasin o pag-ibayuhin ang  police visibility o police patrol lalu na sa mga estratihikong lugar.

Maraming mga magulang din ang nag-aalala dahil nga sa pagiging aktibo ng operasyon ng mga kawatan o kriminal na madalas pa ngang binibiktima ay mga mag-aaral kaya nananawagan sila sa PNP na palakasin ang pagbabantay sa paligid ng mga unibersidad o mga paaralan.

Malaking bagay din ang dito, ang pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay at maging ng mga lokal na pamahalaan na mapailawan ang maraming madidilim na lugar na siyang gustong-gustong tambayan ng mga kawatan.

Iba-iba ang ginagawang modus o operasyon ng mga kawatan, kaya dapat alerto dito ang ating mga kababayan.

Huwag ding matakot na mag-report sa ating kapulisan sa mga taong may kaduda-dudang ikinikilos sa inyong lugar.

vuukle comment

HOLIDAY SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with