^

Punto Mo

Babala laban sa mga hacker

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

HANGGANG noong Enero 2018, ayon sa Wikipedia, umaabot na sa 2.2 bilyon ang monthly active user ng social media na Facebook sa buong mundo.  Pero, nitong nagdaang linggo, kumalat ang balita na 50 milyong Facebook account ang nakumpromiso at nabiktima ng mga hacker at scammer.  50 milyon. Kasama na rito ang mga nasa Pilipinas. Ibig sabihin, marami pa rin naman ang ligtas ang kanilang FB account pero pinag-iingat na sila ng mga kinauukulan.

Maging ang National Privacy Commission at  Philippine National Police ay nagpapayo sa mga milyun-milyong Facebook user na i-secure ang privacy ng kanilang account para maiwasan ang  mga hacker at ng identity theft. Ipinapayo pa ng pulisya sa mga Facebook user na huwag basta-basta tatanggap ng friend request mula sa mga hindi personal na kakilala at imbestigahan ang account ng mga nakikipagkaibigan para malaman kung dummy account lang ito o peke. Dapat din anilang pangalagaan ang computer system sa pamamagitan ng anti-virus software.

 Ayon  pa sa PNP, dapat pag-isipang mabuti kung may mga online offer na “too good to be true” o mahirap mangyari dahil baka paraan lang umano ito ng mga manloloko sa Facebook at iba pang social media para makapambiktima.

Ipinapayo rin ng NPC sa publiko na magsagawa ng good digital hygiene tulad ng paggamit ng mas malalakas na password at laging mag-log out sa mga browser.

Payo pa ng NPC sa mga social media user na tiyakin kung ligtas bang buksan ang mga pinapasok nilang website, huwag mag-log in sa personal account sa mga public wifi network, at iwasang mag-click sa mga pop-ups o virus warning.

Hindi nga lang nabanggit pero mas mainam din ang madalas na magpalit ng password.

vuukle comment

HACKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with