^

Punto Mo

Ang pangit kong love story

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…kung gagamit ng kasinungalingan sa pamba-basted, humabi ng kuwentong positibo, para kung magkatotoo, bubu­lagain ka ng sanlibong saya.

“SOBRA ka namang nerbiyosa” kantiyaw sa akin ng lalaking gustong manligaw sa akin.

Habang humihingal ako sa takot at hawak-hawak ko ang aking dibdib katapat ng puso, ngingisi-ngisi pa ito na parang natutuwa sa hitsura ko. Isa ito sa mga signs hindi maganda ang kanyang ugali dahil wala siyang sympathy sa nadadama ng ibang tao.

“Naglalakad ako sa madilim na kalye, tapos haharang ka sa dadaanan ko, sa palagay mo, logical na tumalon ako sa tuwa?” pigil na pigil ang aking asar na isang pitik pa, ay talagang sasabog na.

“Sorry na. Pang-tatlong beses ko nang attempt ito na sunduin kita sa school pero nahihiya ako kapag nakikita na kitang lumalabas sa gate. Ngayon ay nagpakita na ako dahil nahalata kong natatakot ka. Kasi takbo ang ginagawa mo sa halip na lakad.”

“Ano ba ang gusto mong mangyari at ginagawa mo ito?”

“Ligawan ka at maging girlfriend”

“O sige, punta ka sa boarding house bukas ng 7 pm. Mag-usap tayo.”

Bait-baitan ako nang mga sandaling iyon. Sabi ng aking ina, maging mabait sa manliligaw na hindi ko type. Kinabukasan, 6 pm pa lang ay dumating na ang aking bisita. Excited talaga. Inumpisahan ko na ang drama.

“Scholar ako at candidate for Summa Cum Laude. Ayokong maabala sa aking pag-aaral. Wala sa plano ko na makipag-boyfriend. Masamang ugali ang magpaasa kaya sa umpisa pa lang ay magiging totoo na ako sa iyo.”

Malungkot na nagpaalam ang binatang taring. Ako naman ay kilabot na kilabot sa aking pinagsasabi. Anong scholar? Anong summa cum laude? Iba rin. Sabagay, talagang ganoon. Kailangang lagyan ng “art and drama” ang pamba-basted.

(Itutuloy)

vuukle comment

LOVE STORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with