^

Punto Mo

Criminal liability sa minors, kailangan nang tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dahil sa mga maraming mga insidente o krimeng kinasasangkutan ng mga kabataan, umiinit na naman ang usapin tungkol sa pagpapababa ng edad sa criminal liability ng mga menor de edad.

Kamakailan nga lang naghain ng panukalang batas si Senate President Vicente Sotto III na naglalayong ibaba sa edad na 13-anyos ang criminal liability.

Nakikita kasi na sa kasalukuyang batas na Republic Act 9344 ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, exempted mula sa criminal liability ang may edad-15 pababa.

Dahil naman dito, pinaniniwalaang ang mga probisyon dito ang mistulang ginagamit ng grupo ng sindikato para ang menor de edad ang kanilang kasangkapanin sa kanilang operasyon sa katwiran na wala namang kulong.

Hindi maikakaila na grabe at patindi nang patindi ang mga krimeng kinasasangkutan ng maraming menor de edad sa kasalukuyan.

Mula sa mga petty crime, pandurukot, pang-iisnatch o panghoholdap at ngayon nga na hayag na hayag na ginagamit na rin ng grupo ng akyat-bahay gang lalo’t higit sa operasyon ng ilegal na droga, kaya nga labis na itong nakakaalarma kaya lumulutang ang pag-amyenda o pagbago  sa ilang probisyon ng batas.

Ayon nga sa senador hindi lamang ang batas mismo ang inaabuso ng mga kriminal kundi ang pagiging inosente ng mga kabataan.

Ang kanyang panukala ang magbibigay-linaw sa tunay na intensyon ng batas at ang pag-amyenda dito ay maglalagay ng criminal liability sa mga teenagers na nakagawa ng seryosong krimen.

Sa kasalukuyan kasong ipinatutupad na RA 9344 ay exempted ang mga batang may edad 15 pababa mula sa criminal liability na masyadong mataas kahit ibatay umano sa international standards.

Kung ang pagbabatayan nga naman ang pag-aaral ng  Child Rights International Network, na siyang ipinupunto  ni Sen. Sotto, ang average minimum age ng criminal responsibility sa Asya at Africa ay 11- anyos habang sa US at Europe ay 13.

Ilan sa mga nais amyendahan o baguhin sa kasalukuyang batas ay ang  Sections 6, 20, 20-A, 20-B at 22 ng RA 9344 na kung saan ang mga batang may edad 18 pababa pero above 12 ay dapat panagutin sa nagawa nilang krimen puwera na lamang kung nagawa niya ito ng hindi niya alam o hindi naiiintidihan na dito dapat sumailalim siya sa intervention program ng pamahalaan.

Aniya, sa ilalim ng panukala ang mga seryosong krimen tulad ng parricide, murder, infanticide, kidnapping at homicide na nagawa ng edad 9- anyos hanggang 12- years old ay dapat sumailalim ssa Youth Welfare Code at pansamantalang ilalagay sa youth care faculty o Bahay-Pag-asa.

Sa tema o mga nangyayari ngayon, maraming kabataan edad labing isa ay maaaring nakakaintindi na kung ano ang tama sa mali.

Kung minsan masasabing intesyon na nila na pasukin ang mga asunto. Marami dito ay impluwensiya rin ng droga at kahirapan.

Marahil ay napapanahon na nga na mapag-aalan ito nang husto, na

baka mas lalong makatulong sa mga kabataan na maaga pa ay makapagbago habang hindi pa huli ang lahat.

vuukle comment

VICENTE SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with