^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming batang palaboy na nagra-rugby

Pang-masa
EDITORYAL - Daming batang palaboy na nagra-rugby

PARAMI nang parami ang mga batang palaboy sa Metro Manila. Maraming batang palaboy sa kahabaan ng Roxas Boulevard,  Luneta, Quiapo, Rizal Avenue, Recto Avenue, Quezon Avenue, España Blvd., Tramo, Quirino Highway at marami pang lugar. Kapansin-pansin sa mga batang palaboy na may dala silang supot na plastic na may lamang rugby at kanilang sinisinghot.

Mayroon din namang grupo ng mga kabataan (babae at lalaki) na umaakyat sa dyipni at nag-aabot ng sobre, may kumakatok sa mga bintana ng kotse at mayroong nagtatambol habang nasa estribo ng dyipni.

Ang nakaaalarma sa mga batang palaboy, mayroon sa kanila na kapag hindi nalimusan o nabigyan ng pagkain ay nagiging bayolente. At dahil marami sila, kinukuyog ang mga ayaw magbigay ng pagkain o pera. Pinagtutulungang suntukin at sabunutan ang mga ayaw magbigay sa kanila.

Naging viral sa social media ang nangyaring pagsugod ng mga batang palaboy sa mga pasahero ng isang dyipni noong Lunes. Nakita na pinagkalipumpunan ng mga batang palaboy ang natrapik na dyipni. Mayroon silang kasagutang pasahero sa loob ng dyipni. Maya-maya pa, isang dalagita ang nagtungo sa gilid ng dyipni at sinabunutan ang isang pasahero at saka tumakbo. Nagtakbuhan din ang iba pang mga batang palaboy palayo sa dyipni. Nangyari ang insidente sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

Noong nakaraang linggo, isang grupo rin ng mga batang palaboy ang nakunan ng netizen habang kinukuyog ang isang jeepney driver sa Finance Road, Maynila. Ilang sandali pa at natangay na ng mga bata ang bag ng driver na naglalaman ng kinita nito. Pero mabilis na hinabol ng driver ang mga bata at nabawi ang ninakaw.

May mga batang palaboy na umaakyat sa mga truck na nagbibiyahe ng gulay at prutas at ninanakaw ang mga ito. Inaakyat din nila ang mga 10-wheeler truck habang nasa trapik at ninanakaw ang tools at iba pang gamit na mapapakinabangan.

Sa kabila na nag-viral na ang mga ginagawa ng mga batang palaboy walang ginagawang hakbang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government unit para masawata ang mga ito. Kailangang kumilos ang DSWD sa pagdami ng mga batang palaboy na nagiging marahas na. Hihintayin pa bang may mapatay ang mga batang ito? Hulihin ang mga ito at ireporma.

vuukle comment

RUGBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with