^

Punto Mo

Hiling na ayuda, natugunan na!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG programang BITAG at KILOS PRONTO ang nagsisilbing tulay sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal o national na pamahalaan upang matugunan ang bawat hinaing na inilalapit sa aming tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit patuloy na binabalikan at pinagtitiwalaan ang aming programa ng mga simple at totoong tao sa lipunan.

Isa na rito si Jolanie Sotingco. Personal na nagtungo sa aming tanggapan para humingi ng saklolo. Kuwento niya, namatayan siya ng kapatid ng dahil sa kidney failure. Problema, ang kompanyang pinagtatrabahuhan nito wala man lang ibinigay na ayuda!

Bago kami dumiretso sa employer ng yumao niyang kapatid, lumapit muna kami sa tanggapan ni Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan ng Caloocan City Hall at agad naman silang nangako ng tulong.

Kinabukasan sinamahan ng aming team si Jolanie sa opisina ng admin officer ng Caloocan City Government na si Mr. Roberto Quizon. Doon nag-abot sila ng tulong pinansyal sa pamilya ng yumaong biktima.

Nung araw din na ‘yun, sunod kaming nagtungo sa PINTADOS Bus Company upang maibigay ang financial assistance sa naulilang pamilya ng kanilang dating empleyado. Kilos Pronto rin naman ang naging tugon ng kompanya at agad na nagbigay ng karampatang ayuda.

Ito ang saysay ng mga programa sa ilalim ng Bitag Multimedia Network (BMN). Ang maging daan para matulungan ang mga kaawa-awa nating kababayan. Pero higit sa aming team, mas nararapat na bigyang pugay at pasasalamat ang iba’t ibang ahensiya at opisina na katuwang ng aming programa. Dahil hindi namin maisasagawa ng ayos ang aming serbisyo publiko, kung ‘di rin dahil sa kanila.

Kaya naman mga boss, saludo ang Bitag-Kilos Pronto sa inyo! Lalung-lalo na ‘yung Quezon City, Caloocan at Valenzuela City Government sa pangunguna ng kanilang mga butihing mayor, ang Business Permit and Licensing Offices.

Gayundin sa mga ahensiya at departamento ng gobyerno tulad ng SSS, NLRC, PNP, DILG, POEA, OWWA at marami pang iba. Palagi silang nandiyan upang tugunan ang mga sumbong at reklamo na inilalapit ng Bitag-Kilos Pronto.

Higit sa lahat, sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagtitiwala sa aming programa. Asahan n’yong di kami magsasawang tumulong at umaksyon sa inyong mga reklamo at sumbong.

vuukle comment

NATUGUNAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with