^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Kamay na bakal’ dapat sa Kadamay

Pang-masa
EDITORYAL - �Kamay na bakal� dapat sa Kadamay

HINDI lang sa Metro Manila nang-aagaw ng bahay ang militanteng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) kundi maging sa probinsiya man. Umabot na sila sa Bacolod City at pawang pabahay para sa mga pulis at sundalo ang nilulusob doon. Sa paglusob nila sa National Housing Authority (NHA) project sa Bgy. Felisa, dala na nila ang mga personal na gamit at bitbit ang mga bata. Desidido silang angkinin ang P162 million project na nasa 10 ektaryang lote.

 

Nagulat naman ang mga opisyal ng NHA-Ba­colod sa ginawa ng Kadamay sapagkat may naka­takda na silang pag-uusap sa mga lider nito. Hindi nila inaasahang lulusob ang mga ito at ookupahan ang mga bahay. Ayon sa report, walong unit na ang na okupa­han ng mga miyembro ng Kadamay. Mara-ming pulis ang nakabantay sa housing project.

Sumusobra na ang Kadamay. Nag-umpisa ang kanilang pang-aagaw ng bahay noong Marso 2017 kung saan 2,000 miyembro ang sumugod sa mga hindi pa natatapos na housing units sa Pandi, Bulacan. Ang mga housing units ay nakalaan para sa mga pulis at sundalo. Ayon sa NHA may mga may-ari na ang mga unit.

Katwiran ng Kadamay, nakatiwangwang lamang ang mga bahay at matagal nang walang gumagawa sa mga ito kaya nila inokupahan. Kailangan daw nila ng bahay na masisilungan. Matagal na raw nilang hinihiling sa gobyerno na bigyan sila ng bahay pero hindi sila pinakikinggan. Kaya kaysa raw mabulok ang mga bahay, ookupahan nila ang mga ito.

Nagtagumpay ang Kadamay sapagkat kinampihan sila ni President Duterte noon. Iniutos ni Duterte na ipagkaloob na sa Kadamay ang mga unit at bibigyan na lang nang mas malaki ang mga pulis at sundalo.

Ang pagkampi marahil ng Presidente ang nagpatapang sa Kadamay kaya lumusob na naman ng ibang NHA project. Nilusob ang housing units sa Rodriguez, Rizal. Kailangan daw nila nang masisilungan at karapatan nila iyon.

Minsan, sinabi ni Duterte na kapag nagtangka pa ang mga Kadamay na mang-agaw ng mga bahay, iba-bazooka niya ang mga ito. Hindi raw siya nagbibiro.

Ngayong sa Bacolod naman nang-agaw ng bahay ang Kadamay, dapat na ngang turuan ng leksiyon ang grupong ito. Hanggang hindi nakakatikim ng kamay na bakal ang grupong ito, patuloy silang mang-aagaw ng bahay. Hindi tama ang kanilang ginagawa. Hagupitin na ang mga ito.

vuukle comment

KADAMAY

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with