^

Punto Mo

Si Nograles sa NFA

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

GUSTONG patalsikin ni House Appropriations Committee chair Rep. Karlo Nograles si NFA administrator Jason Aquino kung magpapakaang-kaang ito at dehins niya magagawan ng paraan na aksyonan ang pagsirit ng presyo at pagkukulang ng bigas sa pamilihan.

Naku yari!

Medyo nakakakaba ang nangyayari sa rice supply sa Philippines my Philippines matapos makita ni No­g­rales ang  nangyayari sa rice supply sa ilang market sa Cagayan de Oro City.

Kailangan gumalaw ang NFA office nila para makita ang nakakalumong situasyon ng mga pobreng alindahaw.

Para saan?

Kamote, sa presyo ng bigas.

Tumaas ang presyo sa Cagayan de Oro dahil nagtampisaw este mali nagbawas pala ng supply ng rice ang NFA from 100 sacks a day ginawa nilang 25 na lang kada outlet doon.

Naku ha!

Ano ba ito?

Birada ni Nograles, grabe ang taas presyo ng bigas sa  CDO.

Paano na ito?

Bakit inilipat ang supply ng bigas sa Zamboanga Peninsula?

Tirada ni Nograles, walang choice ang mga taga - CDO kundi bumili ng mahal na commercial rice para maka-tsibug ng bigas.

Walang magagawa ang gustong umangal na pobreng alindahaw para kumain?

Ika nga, kawawang mga nilalang?

May rice cartel kaya?

Abangan.

vuukle comment

JASON AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with