^

Punto Mo

Life Hacks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Para matanggal ang lansa ng isda sa kamay, sabunan muna ito at banlawan. Kung naroon pa rin ang lansa, pahiran ang kamay ng toothpaste. Ibabad ng 10-15 minuto, saka banlawan.

Nalulungkot at wala sa mood? Kumain ng mga sumusunod upang gumanda ang mood: oatmeal, cereal, salmon, gatas, dark chocolate, avocado at saging.

Balutin muna ng tissue or paper towel ang sandwich na babaunin bago isilid sa ziplock bag or plastic bag. Kung diretso sa plastic, mababasa ang tinapay kapag nagpawis ito.

Halimbawa ay may gusto kang alalahanin salita pero nakalimutan mo. Ganito ang gawin para maalaala mo kung ano iyon: Kuyumin ang kamao nang mahigpit. Nakakatulong ito para maging aktibo ang utak at ma-improve ang memorya.

Para ma-enjoy mo ang iyong sitsirya/chips: Bago buksan ang package, alugin ang laman saka buksan, para ma-distribute nang maayos ang salt and spices sa bawat piraso ng chips.

Remedyo sa sinok: Lumanghap ng hangin sa bibig; lumunok ng laway nang dalawang beses; dahan-dahang ilabas ang hangin sa ilong.

Huwag mag-cell phone bago matulog. Nakaka-insomia ang radiation ng cell phone.

Kung ikaw ay mabalakubak o may acne sa mukha at katawan, ang gamiting shampoo ay may ingredient na pyrithione zinc.

vuukle comment

LIFE HACKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with