^

Punto Mo

EDITORYAL - Reward sa ‘ninja cops’

Pang-masa
EDITORYAL - Reward sa �ninja cops�

LAGING pinagtatanggol ni President Duterte ang mga pulis. Hindi nga niya minumura ang mga ito. Kapag daw may nagkaso sa mga pulis dahil sa drug operations, siya ang bahala. Mahal niya ang mga pulis. Para ipakita pa ang pagmamahal, itinaas pa niya ang suweldo ng mga ito. Ang suweldo ngayon ng Police Officer 1 (PO1) ay P30,000; PO2 ay mahigit P31,000 at ang PO3 ay P32,000.

Pero sa kabila ng kanyang pagmamahal sa mga pulis, marami pa rin ang naliligaw ng landas. Karamihan sa mga “naligaw” ay mga PO1, PO2 at PO3. At hindi lang basta “naligaw” ang mga bagitong pulis, nagpakalulong pa sa droga. May protector ng drug trafficker, nagre-recycle ng shabu, nang-eextort sa drug suspects at gumagamit ng shabu.

Kamakailan, iniharap sa kanya ang 100 pulis sa Malacañang na pawang illegal drugs ang kaso. Sumabog ang galit ng Presidente at pinagmumura ang mga pulis-droga. Binantaan pang papatayin ang mga ito. “Hindi ko maintindihan kung paano kayo nakapasok sa PNP,” sabi ng Presidente. Isang special team daw ang kanyang binuo para patayin ang mga salot na pulis. Hinimok niya ang mga pulis na may kaso na huwag nang magpiyansa sapagkat mas ligtas umano sa bilangguan ang mga ito.

Mayroon pang inihabol ang Presidente noong Biyernes, sinabi niya na itinataas na niya ang reward para sa mapapatay na “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa droga. “I will raise the amount to P5 million per ninja cop. If you bring him to me, P5 million, pagbuhay, bigyan kita ng P10K.” Matindi ang babala ng Presidente sa mga pulis na sangkot sa droga. Kung noon ay pawang pagtatanggol ang ginagawa niya at pinangakuan pa ng mga kaluwagan, nabaliktad na ang lahat at magbibigay pa siya ng pabuya para sa makakapatay at makakadakma ng “ninja cops”.

Grabe na ang ginagawa ng mga pulis na sa kabila na tinaasan ng suweldo ay gumagawa pa ng kasamaan. Ngayong may matinding babala na ang Presidente, maaaring mabawasan na ang mga pulis droga at tahakin na ang tamang landas. Mayroon pa silang panahon para magbago. Kung sa kabila ng mga babala ay patuloy pa rin sa masamang gawain, sila na ang dapat sisihin.

vuukle comment

SALARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with