^

Punto Mo

ISIS commander, patay matapos masapol ng british sniper sa layong 2.4 kilometro

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG ISIS commander sa Afghanistan ang patay matapos patamaan ng isang British sniper sa layong 2.4 kilometers.

Sinasabing ito na ang pinakamalayong tira na nagawa ng isang miyembro ng Special Air Services (SAS) na special forces unit ng United Kingdom.

Bukod sa layo ng kanyang tira ay kahanga-hanga rin ang nagawa ng nasabing sniper dahil sa halip na rifle na karaniwang gamit ng mga sniper ay .50 kalibre na machine gun ang kanyang pinaputok upang mapatay ang kumander ng ISIS.

Hindi naging madali ang pag-asinta ng sniper lalo na’t hindi ganun kaklaro ang kanyang paningin na naapektuhan ng matinding init sa lugar.

Sa laki ng kalibre ng balang tumama sa terorista ay naputol ang balikat at braso nito, na agad na namatay at iniwan ng kanyang mga kasamahan.

Pinaniniwalaang nasa 20 katao ang nasagip ang buhay dulot ng pagkakapatay sa kumander ng ISIS.

Dahil sa nagawa ng hindi na kinilalang sniper ay dinekomisyon na at nakadisplay na ngayon sa headquarters ng SAS ang .50 caliber Browning machine gun na kanyang ginamit. Matanda na rin kasi ang baril, na higit 40 taon na at unang ginamit noon pang 1950s sa kasagsagan ng Korean War.

vuukle comment

ISIS COMMANDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with