^

Punto Mo

Si Cayetano at P-Noy, bow

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG mas maganda ang 60-40 percentage sa makukuhang yaman dagat d’yan sa West Philippines my Philippines Sea sa pagitan ng gobiernong Duterte at China kaya naman parang humuhupa na ang tensyon dito.

Sabi nga, ang nagpapainit lang at nagpapalaki ng problema ay ang mga opposition at siempre ang kritiko ng gobierno.

Ika nga, bira rito, banat doon ang pinaggagawa.

Pero to the rescue si DFA Secretary Alan Cayetano, sa mga naninira at mga  bumabanat sa administrasyon kaya itong si  P. Noy panay ang satsat sa kawalan ng pansit este mali transparency ng pamahalaan Duterte regarding sa issue at karapatan sa WPS.

Naku ha!

Ano ba ito?

‘Administrasyon at opisisyon ang word war na nangyayari ngayon.’

Kaya dapat ang madlang pinoy ang maghugas este humusga pala kung sino ang tama at kapani-paniwala.

Ano ba ang ginawa ng P. Noy administration nang sila ang nagpapatakbo ng gobierno sa usaping pagkawala ng Scarborough Shoal?

Ano nga ba?

Sagot - nakita ng napakaraming mata ng madlang pinoy at naranasan ng mga mangingisda kung paano sila tratuhin ng mga tsekwa noon. May nagawa bang magaling ang grupong P. Noy ?

Ibinalita ba ng gobierno noon sa madlang pinoy ang mga backdoor talks daw na ginawa nila?

Sagot - wala!

Ang masama pa si Cayetano ngayon ang tinitirya ng grupong P. Noy dahil nababasa ng huli na maganda ang layunin ng una para lalong umunlad ang Philippines my Philippines sa usapang nangyayari ngayon sa China.

Mukhang tumahimik ang grupong P. Noy ng itanong ng Duterte adminstration kung ano ba talaga ang nagawa nila noon sila ang nasa kapangyarihan ? Hehehe !

Sana magtulungan na lamang at itigil na ang paninira.

Natatakot ba siya sa sarili niyang multo?

Matagal ng palaisipan ang tunay na nangyari sa Scarborough o Panatag Shoal. Bakit kinailangan ng backchannel talks sa China?

Kung ang administrasyon Duterte ang tatanungin sa ikabubuti ng madlang pinoy sa Philippines my Philippines, bukas sila sa opposition  para magkaroon ng pagkaka-isa lalo na ang madlang pinoy !

Sabi nga, sa ikauunlad ng bayan dapat na tayong magkaisa at itigil na ang puro satsatan.

Abangan.

vuukle comment

ALAN CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with