^

Punto Mo

PDP-Laban, mistulang bangkang papel na lang?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MATAPOS palitan ang dalawang haligi ng partido ng administrasyong PDP-Laban na sina Koko Pimentel at Bebot Alvarez, umalingawngaw naman ang espekulasyon sa mga kapihan na ang magsasanib na puwersa para sa 2022 election ay magbubuo ng bagong political party na talagang super tibay at lakas. Ang common ground daw ay burahin ang mga dilawan, na ang tinutumbok ay ang coalition ng mga partidong sumuporta noon sa mga Aquino.

Kung ganoon, maliwanag pa sa sikat ng araw na ang pagsasanib puwersa nina Speaker Gloria Macapagal Arroyo, pamilya Marcos at Mayor Sara Duterte ang bubura sa bahid dilaw na kasaysayan sa pulitika ng bansa. Ano kaya ang kulay Maharlika?

• • • • • •

Yellow fever humupa dahil sa dengvaxia

Ang Davao City na kilala noon na isa sa malakas na balwarte ng oposisyon ng Marcos admi-nistration ay sinuportahan ng nanay ni Pres. Digong Duterte, pero nang maupo si Cory Aquino, si Safiro Respicio ang ginawang OIC Mayor ng Davao City at si Digong ang itinalagang OIC Vice Mayor kahit wala namang konseho noon. Inutil naman talaga ang posisyong Vice Mayor noon, kaya itinatag ang partidong Hugpong ng grupo ni Digong at iginupo ang PDP-Laban ni Safiro Respicio. Ito rin ang kinatakutan ni Bebot Alvarez nang magbuo ng Hugpong Regional Party si Mayor Sara Duterte, dahil alam niyang may liderato ito na mas epektibo kesa kanya. Ayun na nga! Pasaringan ba naman na puwedeng i-impeach ng Kongreso si Digong, eh! ‘di yan ang napala mo! hahahaha

• • • • • •

Ibalik ang two party system, kapritso pulitikal ibasura na!

Gumulo lalo ang Pilipinas sa pagkakaroon ng multi-party system dahil madali itong iporma ng mga mapepera at ambisyosong pulitiko. Madalas na nagsasanib puwersa rin naman ang mga ito kung sa palagay nila ay hindi nila kayang igupo ang malakas na kalabang partido. Anong pulos nito kung magkakaiba ang prinsipyo at napipilitan lamang dahil sa kapritso? Bumalik na tayo sa tradisyong pula kung pula at puti kung puti. Ano sa palagay n’yo?

Maraming madyikerong nilalang sa pulitika na nagkukunwaring magkakalaban ang partido pero sa bandang huli ay nagsasanib puwersa o nag-coalition daw. Aba eh hindi na ito matatawag na partido pulitikal, bagkus baka mas bagay na tawagin itong Kapritso Pulitikal. Oh di ba?

vuukle comment

PDP LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with