^

Punto Mo

Pulis na Abusado, Pusher at mga Loko, isumbong, i-send sa Team NCRPO!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May bagong kampanya na inilunsad si NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar na tinawag niyang ‘‘Pulis na Abusado, Pusher at mga Loko... Agad i-Send Mo sa Team NCRPO’’.

Aksyon ito ni Eleazar dahil na rin sa sunud-sunod na namang pagkakasangkot ng mga parak (hindi lang sa NCRPO) sa mga katiwalian at mga maling akti­bidades.

Isama pa rito ang madalas na palpak na mga desisyon sa kanilang pagtupad ng tungkulin.

Madalas na nagiging bahid sa imahe ng buong command.

Noon lamang nakalipas na linggo isang traffic police investigator sa Makati ang nadawit sa kidnapping at hulidap sa dalawang Chinese na kanilang hinarang sa panulukan ng Nicanor Garcia at Metropolitan Sts. sa nabanggit na lungsod.

Kasama ang apat pang kasabwat pinatutubos ng grupo na pinamumunuan ng pulis na si PO2 Jaycee Abana ang dalawang biktimang Chinese sa halagang isang milyong piso, bukod pa rito kinuha rin ng mga ito ang pera at gamit ng dalawang biktimang trader na Chinese.

Nagsumbong sa pulisya ang mga kaibigan ng Chinese kung saan isinagawa ang entrapment kaya nadakip ang pulis at mga kasapakat nito.

Sa Makati rin nabulgar ang ginawang pagpapahubad at pagpapatuwad ng ilang pulis sa mga sinasabing nadakip na drug suspects.

Nakunan ito ng video na kumalat nga sa social media kahit pa nga noong isang taon pa ito naganap.

Iinatanggi naman ito ng mga sangot na pulis at sinasabing demo lang ito kung paano ang gagawing pagkapkap sa mga drug suspects.

Sibak sa pwesto ang mga pulis na kahit ano pang ang kanilang ikatwiran malaki ang kanilang pagkukulang at kamalian sa pangyayaring ito at hindi naman kinunsinti ng pamunuan ng NCRPO.

Lalabas tayo ng kaunti sa Metro Manila. sa Bulacan noong Hulyo 3, nabulgar ang ginawang pag[a[alabas sa selda sa isang babaeng inmate sa Hagonoy Oolice Station, kung bakit para imasahe ang mismong chief of police dito,bagamat masahe lang ang hiniling ni hepe nangangaba ang inmate lalu pa nga’t habang minamasahe niya ito ay kung anu-ano na ang sinasabi sa kanya ni hepe.

Ang tanong tama ba ito?

Ilan lang yan sa mga kinasangkutan na naman ng ilang ‘pasaway’ na pulis.

Iisa ang kampanya nina PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde maging ng NCRPO chief sa ilalim ng bagong programa na makilahok ang publiko sa pagsusumbong mga pulis na abusado, pusher at mga loko para umano tuluyang malinis ang hanay at makapagbigay ng mas lalong epektibong serbisyo.

Ito ang numero na maaaring mapagsumbong sa NCRPO Globe 0915-888-8181 at sa Smart 0999-901-8181.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with