^

Punto Mo

Bakit pinagdudahan kong kasal ang aking ama’t ina?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

LAGI akong dumadayo sa bahay ng aking mga kalaro para doon magtinda-tindahanan o magluto-lutuan. Ayokong maglaro sa aming bahay dahil naaabala ako. Kung kailan enjoy na enjoy ako sa paglalaro ay saka ako tatawagin ng aking ina para utusan. Nabibitin ako.

Lima o anim na taon ako noon. Bawat bahay na aking napupuntahan ay laging may nakasabit na wedding picture ng mga magulang ng aking kalaro. Tinitigan ko ang wedding picture. Tapos magtatanong ako sa aking sarili…bakit ang nanay at tatay ko, walang litrato? Naghinala tuloy ako. Walang litrato kasi siguro ay hindi sila ikinasal. Isang araw iyon pagkagaling ko sa pakikipaglaro.

 Nanay nasaan ang litrato ninyo noong ikinasal kayo ?

Hayyy nakow…wala kaming litrato.

Bakit po?

Hindi kami sinipot ng photographer.

E, bakit po ulit?

Napahagikgik ang nanay ko.

Hindi kasi nag-deposit ng paunang bayad ang tatay mo doon sa photographer. Kulang ang budget namin sa pagpapakasal. Barkada niya ang photographer. Nakiusap siya kung puwedeng wala munang deposit. Pagkuha ng pictures ay saka na lang babayaran. Umoo raw naman pero labas pala sa ilong ang pag-oo dahil pagdating ng araw ng kasal, walang dumating na photographer.

Pakiramdam ko ay sobra ang pagiging mahirap ni Tatay. Kasi ‘yung ama ng aking kalaro ay barbero pero may pambayad siya sa photographer. Ang isa kong kalaro ay magsasaka  ang ama pero may wedding picture din sila. Noong binata pa ang aking tatay at hindi pa pumapasok sa pagpupulis, pintor siya ng bahay. Kaso hindi naman laging may nagpapapintura ng bahay kaya minsan ay nganga ang drama ni Padir.

Noong naging seaman si Tatay at minsang nagbalikbayan, nakasalubong niya ang photographer na ito na nanatiling photographer nang panahong iyon. Kinantyawan daw siya ng pasalubong. Ngumiti lang daw si Tatay. Wala siyang sinabi. Sa loob-loob daw niya: “Pasalubungan ko ang mukha mo.”

 

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with