^

Punto Mo

NCRPO, DepEd vs droga

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SIGURO kailangan pangalanan ng pamunuan ng PDEA ang mga bagong listahan na nasasangkot ang ilang kongresista, alkalde, governor at iba pa para naman iyong ibang mga politiko na hindi gumagamit ng droga ay hindi mapaghinalaang kasama sa narco-list.

Tutal ibinuyangyang ang mga bagong pangalang nakalista sa narco-list ng PDEA dapat para maging patas sa ibang politiko ilabas nila ang mga pangalan nito.

Siempre babala na rin ito sa mga adik na constituents ng politikong nasa listahan na huwag na silang muling iboto next year.

Ano sa palagay ninyo?

Kambiyo isyu, nakakabilib naman itong si NCRPO director Guillermo Eleazar dahil totoong nagta-trabahong pulis alam niya o kapa niya ang mga nangyayari sa lugar pagdating sa usapin ng droga.

Kaya naman gustong niyang makipagpulong sa DepEd para matalakay ang mga students na ginagamit daw ng mga sindikato ng droga para magtulak ng droga.

Isa siguro sa mga importanteng gawin ng kapulisan sa kanilang area of responsibilities ang police visibility para ang mga kriminal ay umilag sa lugar na maraming pulis na nakikita.

Alam naman natin ang mga sindikato ng droga ay maga-ling manghikayat o manakot ng mga students para sumama sa kanilang operasyon.

Kailangan ang monitoring sa mga students kahit mga titser para malaman kung may mga itinatagong mga droga ang mga ito o kasangga na nang mga sindikato para maibenta ang kanilang produkto sa mga kamag-aral ng mga ito.

Alam ng madlang people kung gaano kalala ang illegal drugs sa Philippines my Philippines dahil araw-araw ay sangkaterbang pusher, adik ang nahuhuli at natutumba dahil lumalaban sila sa mga alagad ng batas.

Ano sa palagay ninyo ang mainam?

Abangan.

• • • • • •

Smuck kiss pang PR lang

Hindi kasi biro ang mga kritiko ni Boss Digong marami kasi ang asar na asar sa kanya.

Bakit?

Buhay politika. Hehehe!

Lahat ng mga ginagawa ni Boss Digong ay hinahanapan ng mali ng kanyang mga kritiko.

Sabi nga, nagaantay para madulas!

Kaya naman nakakita sila ng maling ginawa raw ni Boss Digong ng halikan nito ang isang bebot dyan sa Korea.

Sabi nga, pinalaki ang issue!

Ika nga, ‘smuck kiss’ lamang ay marami na ang nagsasalita at pumupuna laban kay Boss Digong.

Ang alam natin ang istilong ginawa ni Boss Digong sa bebot na ini-smuck niya ay pang ‘stage show’ lamang.

Ika nga, pangpasaya sa mga guests !

Ano ang mas mabuti para matapos na ang mga daldalan tungkol dito?

Siguro huwag ng pansinin, dahil ang pikon tiyak talo!

Abangan.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with