^

Punto Mo

‘Wake up call’

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAG-drama este mali nagbabala pala ang DENR sa paggamit ng mga plastic items tulad ng plastic bottles, mga grocery bags, candy wrappers echetera, echetera.

Bakit?

Kailangan ng hughugin ang madlang pinoy na itigil ang paggamit nito kasi nga may masamang epekto ito sa karagatan at mga daluyan ng tubig.

Sabi nga, hindi biro ang epekto nito kapag sumipa pabalik sa atin. 

Nagdudulot ito ng pagbabara sa mga waterways na nagiging sanhi ng pagbaha kaya naman grabe as in grabe na ang tubig sa Metro - Manila oras na malakas ang ulan o bumagyo.

Ang mga maliliit na plastic wrappers naman na napupunta sa karagatan dahil sa pagtapon na ginagawa ng mga salaula ay nakakain naman ng mga isda o ibang marine species na nagiging dahilan para mamatay ang mga ito.

Paano?

Kapag natsibog ng mga marine species hindi ito natutunaw sa kanilang bituka.

Oh, hindi ba apektado ang Philippines my Philippines dito dahil lamang sa paggamit ng mga plastic products malaking problema na.

Sa Kyusi, puedeng-puede kang gumamit ng plastic bags basta ang importante ay magbayad ka lang ng P2.00 each.

Sabi nga, nabibili sa ilang malls dito!

‘Paano kung hindi mo na gagamitin ang plastic bags saan mo ngayon ito itatapon?’ 

Sagot - siempre sa basura o kung saan-saan lang dyan?

Ika nga, hindi nabubulok ang plastic products.

Naku ha!

Ano ba ito ?

Matagal ng problema ang pagamit ng plastic products sa Philippines my Philippines pero walang ‘political will’ na ipagbawal ito.

Bakit kaya ?

Yan ang ipasagot mo sa DENR ?

Abangan.

* * *

OMB, balik NAIA

Almost a year nang tanggalin ang Ombudsman office sa airport sa hindi malaman dahilan.

Pero may nagbalita ang pagbaklas sa OMB sa airport ay dahil kulang sila sa tao ?

Sabi nga, sa main office.

May mga nanghihinayan sa pagkawala ng OMB sa paliparan dahil wala na umanong mapag-sumbungan ang mga gustong maghain ng reklamo versus government officials sa paliparan.

Ika nga, pupunta ka sa main office para doon magsumbong.

Kailangan daw ito sa airport dahil seryoso ang gobierno ni Boss Digong na sugpuin ang korupsyon. 

Sa pagbalik ng OMB office sana marami silang matulungan sa mga problemang ihahain dito.

Abangan

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with