Matandang Tinali (104)
NATANAW nila ang kubo ni Joy.
“Sana nariyan siya Manong Naldo.’’
“Palagay ko may tao na sa kubo, Dong.’’
“Baka nga nagtungo sa Maynila kaya nawala.’’
“Sa palagay mo ilang araw na nawala ang tao r’yan?’’
“Baka isang linggo Manong.’’
Napatangu-tango na lang si Manong Naldo.
“Halika bilisan natin!”
Binilisan nila ang paglakad patungo sa kubo.
Nang makalapit na sila, naamoy nila na may niluluto. May pinipritong itlog at tuyo.
Kumpirmadong may tao na sa kubo!
Nang nasa tapat na sila ng bintana, inutusan ni Manong Naldo si Dong.
“Tumawag ka na Dong! Lakasan mo ang boses.’’
“Opo.’’
Tumawag si Dong. Ma-lakas.
“Tao po! Tao po!’’
Walang sumasagot.
“Ulitin mo, Dong. Baka hindi narinig.’’
Inulit ni Dong. Nilakasan ang pagtawag.
“Tao po! Magandang umaga po.’’
Wala pa rin.
“Wala yatang tao, Manong Naldo.’’
“Meron yan. May nagluluto nga.’’
Maya-maya, may nari-nig silang langitngit ng sahig na kawayan. Papalapit ang yabag.
Hanggang may dumu-ngaw sa bintana.
Si Joy!
Si Manong Naldo ang nagsalita.
“Magandang umaga, Joy!”
“Manong Naldo! Kumusta?’’
“Mabuti naman. Puwede ka ba naming maka-usap, Joy.”
“Opo. Akyat po kayo.’’
Nagkatinginan sina Dong at Manong Naldo.
(Itutuloy)
- Latest