^

Punto Mo

Kalat mo, linis mo!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong tapos ang Brgy. at SK elections at halos naiproklama na rin sa maraming lugar ang mga nag­wa­gi, panahon na marahil para mag-move-on na ang marami.

Bagamat sa kabuuan sinasabing naging maayos at mapa-yapa ang halalan, meron pa rin bumangong mangilan-ngilang problema at nasumpungang mga paglabag sa panig ng ilang pasaway.

Vote buying ang sinasabing tila naging talamak at pinalusot ng ilang mga pasaway na politiko na talagang ayaw paawat at gagawin ang lahat maluklok lang sa pwesto ang kanilang mga ‘manok’ sa lebel ng barangay para naman sa nalalapit na local election sa susunod na taon.

Sa pahayag nga ng DILG, tinatayang may 100 mga kongresista umano at nasa 1,000 local executives ang sinasabing dawit sa vote buying sa nakalipas na halalan.

Kung may matibay na ebidensya, sampahan na agad ng kaso ang mga ito nang magkaalaman na, ika nga ng ilang mambabatas para nga naman ‘di damay ang lahat.

Ngayong naisagawa na ang halalan dapat naman asikasuhin ng mga nanalo o maging ang mga natalong kandidato na linisin ang kanilang mga ikinalat.

Ang mga pinagdidikit at ikinabit nilang mga campaign materials sa kung saan-saan.

Naku naman, sana maging responsable ang mga ito at magkusa na sila sa paglilinis.

Kung saan-saan kayo naglagay kahit nga sa mga bawal na lugar, ngayon basta na lang ninyo pababayaan.

Hindi komo natalo eh hahayaan na lang ang paglilinis sa mga nanalo.

Kung may kasabihang ‘Tapat ko, linis ko’ sa mga kumandidato dapat ‘Kalat mo, ligpit mo’.

Kapag wala kayong pakialam mas lalo nyo lang pinatutunayan sa mga botante na hindi ka nga karapat-dapat na maupong opisyal ng barangay.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with