^

Punto Mo

Wala nang bawian...

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAHAPON ay naganap na ang pinakakontrobersiyal na Barangay at SK elections. Dalangin ni BITAG na ang bawat isa ay nagabayan ng tamang pag-iisip ng Maykapal at hindi nang magandang presyo ng mga trapong kandidato.

Wala nang bawian, ika nga. Naganap na ang eleksiyon at maghihintay na lamang tayo ng resulta, harinawa napili ni Juan Dela Cruz ang mga tamang mamumuno ng ating Barangay.

Sa mga huli kong analysis at interviews, I already stressed at erring and narco-politicians. Common sense na ito na alam kong alam niyo, utang na loob – sana walang naiboto na ganito. 

Naniniwala ako na sapat na ang mga impormasyong nakuha ni Juan Dela Cruz. Hindi nagkulang ng paalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) at maging ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Marami nang simpleng signs kung tutuusin ng mga kandidatong dapat naiboto natin. Nitong campaign period, kapag di sumunod sa mga campaign guidelines, alam na, scratch na dapat yun sa inyong listahan.

O yung mga miyembro ng political dynasty, marami diyan ang tumabo dahil anak ni ganyan, anak ni ganito. Wala namang mali rito maliban doon sa mga gumagawa ng dinastiya ng mga bobo. 

Marami sa atin lalo na sa mga probinsiya, nakaugalian ang pagboto sa mga nasa political dynasty. 

Pero teka, tinanong mo ba ang sarili mo  kung qualified ba talaga sila, o marunong lang magsulat at magbasa? Ano bang ginawa, ginagawa at balik gawin para sa komunidad? ‘Pag walang matinong sagot, adiyos, sana di niyo binoto ha. 

Eh ‘yung alam n’yong may ginawang iligal o masama ke nanungkulan o hindi na. Juicecolored, ‘wag naman sana nagpadala sa takot ang Pinoy.

Kung isa sa mga nabanggit ko sa taas ay naboto niyo, may God bless the future of this country and the outcome of the election. Ipinalangin mong mataimtim na mayorya ng mga Pilipino ay hindi tanga at duwag na katulad mo este ng kapitbahay mo.

vuukle comment

SK ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with