^

Punto Mo

World record para sa ‘joggling’ naitala ng estudyante sa boston na tumakbo habang nagja-joggling

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG mag-aaral mula Boston University ang nakapagtala ng bagong world record para sa isang larangan na marami ang hindi pa nakakaalam: ang pagjo-“joggling”.

Joggling ang tawag sa pagtakbo habang nagju-juggle ng bola at nagawa ito ni Zachary Prescott sa loob ng 4 na minuto at 43.2 segundo at sa layong isang milya.

Kabilang si Prescott sa track and field team ng Boston University at sa mismong race track ng nasabing unibersidad niya ginawa ang pagta-tala ng bagong world record.

Ayon sa third year na business student ay kaila-ngan lamang ng matinding pokus sa pagja-joggling. Kapag nasanay ka na raw ay wala na raw itong pinagkaiba sa pangkaraniwang juggling.

Dinaluhan ng mga kaibigan at kamag-anak ni Prescott ang kanyang pagja-joggling kaya naman pabiro niyang sinabi na napilitan siyang siguraduhin na magtatagumpay siya sa kanyang world record attempt.

Kailangan pang kumpirmahin ng Guinness World Record ang oras na naitala ni Prescott dahil mas mabilis lamang siya ng .6 segundo sa kasalukuyang world record holder.

vuukle comment

JOGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with