^

Punto Mo

Bagong yugto ng crime desk!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MULA sa pagiging isang segment lang noon sa programang Kilos Pronto, naging isang ganap na programa ang Crime Desk dahil sa inyong pagtitiwala. At sa pagbubukas ng panibagong yugto ng programa, inaasahan namin ang patuloy ninyong suporta.

“Sisiyasatin. Susuriin. Tututukan.” Iyan ang mga katagang nagmarka simula nang maipalabas ang programang “Crime Desk” sa telebisyon noong January 13, 2018 sa PTV4. Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ng bawat manonood. May mga nagalit, naawa, naiyak at nagulat dahil sa sinapit ng mga biktima sa bawat istorya.

Sa lumipas na tatlong buwan, hayagang ipinakita ng Crime Desk ang mga karumal-dumal na krimen na laganap sa iba’t ibang sulok ng ating bansa. May sinunog na asawa, hinambalos ng martilyo, pinagsamantalahan ng sariling magulang at kung anu-ano pa.

Pero iisa lang ang layunin ng programa. Ito ay ang mabigyang hustisya ang bawat biktima ayon na rin sa hiling ng kani-kanilang pamilya.

Bawat kuwento na aming inilalabas tuwing Sabado ay talaga namang inaabangan at sinusubaybayan ng lahat. Kaya naman hindi kami magsasawang tumulong at bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan sa abot ng aming makakaya. Katuwang siyempre ang lokal na pamahalaan at buong pwersa ng pulisya.

Pero bago gumulong ang Season 2, sama-sama muna nating balikan ang ilan sa mga kwentong pumukaw sa ating isipan at kinapulutan ng napakaraming aral sa buhay. Ilan sa mga ito ay nag-trending sa aming YouTube Channel - BITAG Official at pinag-usapan sa aming Facebook page.

Ngayong darating na Season 2 ng Crime Desk asahan ang mas pinaigting, mas kahindik-hindik, at mas masusing pag-iimbestiga sa bawat krimen ang ihahandog namin sa mga manonood. Kasama pa rin ang batikang broadcaster na si Alex Santos. 

Magsisimula ang bagong yugto ng Crime Desk sa darating na Sabado, May 19, 7:30 ng gabi sa PTV4. Abangan!

vuukle comment

CRIME DESK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with