^

Punto Mo

Ang Bully

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 4)

ULILA na pala sa ina si Dado. Solo itong anak. Ang ama nito sa isang magsasaka na kilalang lasenggo sa kanilang kalye.

Pare, nagsumbong itong anak ko na madalas daw siyang kotongan ni Dado. Buti sana kung basta kinokotongan, nananakit pa ang anak mo. Puwede bang kausapin ko ang anak mo? 

Hindi sumagot ang ama. Tuloy-tuloy lang ito sa pagpaligo ng kanyang kabayo na nakatali sa puno ng santol sa harapan ng bahay. Maya-maya ay sumigaw.

Diosdado! Diosdado!

Lumitaw ang tinawag. Gumuhit ang takot sa mukha ni Dado pagkakita sa mag-ama ni William. Higit-kumulang ay alam na niya ang ipinunta ng mag-ama sa kanilang bahay. Bantulot itong lumapit sa ama. Nakakagulat ang sumunod na pangyayari.

Ibinato ng ama ang malaking brush na ginagamit sa kabayo. Sapul ang mukha ni Diosdado. Kasunod noon ay inundayan ng ama ng tatlong malalakas na suntok sa sikmura ang anak. Natumba si Dado. Namimilipit sa sakit pero hindi man lang umiyak.

O, ano, masaya na kayong mag-ama? Ayan, dinisiplina ko na!

Payuhan mong mali ang ginagawa niyang pang-aapi sa kapwa niya estudyante. Hindi mo mapapatino ang isang bata sa pambubugbog! Sagot ng ama ni William

Nagsimula nang maglapitan ang mga kapitbahay para mang-usyoso.

Huwag mo nga akong turuan kung paano ko didisiplinahin ang aking anak. Akala mo kung sino ka, porke’t nakapag-aral! Pwe!Turuan mong lumaban ang anak mo! Sa tingin ko, mukhang lampa at baklain ‘yan kaya nakukursunadahan.

Nagpanting ang tenga ng ama ni William. Sumugod ito sa ama ni Dado at binigyan ito ng isang mala-Pacquio na bigwas. Nagdugo ang ilong ng ama ni Dado. Gaganti sana pero naawat ng mga usisero. (Itutuloy)

vuukle comment

BULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with