^

Punto Mo

Drug test challenge!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May hamon si Philippine National Police (PNP) chief P/Director General Oscar Albayalde sa mga kandidato sa gaganaping Brgy. at Sangguniang Kabataan elections sa bansa sa darating na Mayo 14.

Ito ang drug test challenge!

Ito umano ang pinaka-madaling paraan para patunayan na walang kinalaman o pagkakasangkot sa illegal na droga ang mga kandidato.

Ang nakapagtataka lang marami pa rin ang hindi tumalima rito.

Kung wala naman silang itinatago, napakadaling sumailalim sa drug test, at least maipagmamalaki nila ito sa kanilang mga nasasakupan na sila ay clear sa paggamit ng ilegal na droga.

Yung iba naman na nasa narco-list na ang mga pangalan, marahil ay pagkakataon na ito para patunayan na hindi sila nagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Oo nga’t hindi inoobliga sa ilalim ng batas ang drug test sa mga kandidato, pwede namang magkusa o magboluntaryo na ang isang kandidato para mawala ang anumang duda ng mga botante.

Dapat na mapatunayan nilang negatibo sila sa paggamit nito.

Yung iba naman bagamat hindi nga gumagamit ng droga, wala namang inilatag o inilalatag na programa para labanan ito.

Iisa ang dahilan, malamang na nakikinabang.

Kahit yata sa kanilang plataporma ngayong kampanya, hindi nababanggit ang tungkol sa ilegal na droga .

May iba naman na nakaupo na wala ring nakikitang programa sa kani-kanilang barangay para sugpuin ang illegal drugs , hindi rin nakikipagtulungan sa drug war.

Hindi nga ba’t natuklasang marami pa ring mga barangay ang walang naitatatag na Brgy. Anti Drug Abuse Councils (BADAC) kasi nga paano ito itatatag , eh di parang kumuha sila ng bato na ipupukpok sa kanilang mga ulo.

Eto pa ang classic, ayon sa DILG may nagtatag naman daw ng BADAC, pero hanggang tatag lang at hindi functional kaya balewala rin, kunwari lang pala.

Sa kabila nito may ilan naman na tumugon at boluntaryong sumabak sa challenge ng drug test, kasi nga kung walang itinatago, bakit hindi di ba?

Hindi lang sarili napagbigyan nila, kundi lalu na ang mga botante na kumikilatis pa sa kanilang mga iboboto.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with