^

Punto Mo

Ang Pusa ng Kapit-bahay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG pusang kulay puti na may black at yellowish brown sa kanyang mukha at buntot ang sumalubong sa aming pagda-ting nang umuwi kami sa aming bahay sa Laguna noong Holy Week. Palibhasa ay walang tumitira sa aming bahay kaya pati pusa ay naninibago kapag nakita niyang may taong dumarating sa aming bahay. Iyon marahil ang dahilan kung bakit pagkakita sa amin ay lumapit ito na para bang wine-welcome kami. Noong una ay hindi namin ito pinapansin pero tuluyang inagaw niya ang aming atensiyon nang ngumiyaw ito nang malakas noong nakapasok na kami sa bahay habang siya ay nasa labas at nakasilip sa screen door. ‘Yung ngiyaw na parang humihingi ng pagkain at type pumasok sa loob ng bahay.

Kinabukasan ay nakasilip na naman sa screen door ang pusa at ngiyaw nang ngiyaw. Mahahalata mong type na type pumasok sa loob ng aming bahay. Lalong lumakas ang ngiyaw nang mag-umpisang kumulo at kumalat ang masarap na amoy ng aking nilulutong sinaing na tulingan. Naiimadyin kong habang naglalaway ang pusa ay laong sumisidhi ang kagustuhan niyang makapasok sa aming bahay.

Nagkataong palabas ng bahay si Madir, aba nakakuha ng tiyempo ang PG cat (translation: patay gutom na pusa) at bigla itong kumaripas nang takbo papasok sa aming bahay. Success! Nakapasok din siya sa aming bahay. Kaso bistado ni Madir na ito ang tumatae sa paligid na aming bakuran kaya napasigaw ito ng: “Ayy! Palabasin n’yo ‘yan, baka tumae d’yan sa loob!”

Para bang nagkaisa kami ng aking pamangkin sa pagsigaw ng “Tsupi! Tsupi! Lumabas ka!” E, parang may microphone ang boses ko sa sobrang lakas kaya nataranta nang ayos ang kawawang pusa. Hindi malaman kung saan susuling. Pagkaraan ng ilang minutong paghahabulan namin ay napalabas din namin ang pusa. Nang lumabas ay hinagisan namin ng isda. Hindi niya iyon kinain at tuluyan nang lumayo sa vicinity ng aming bahay. Naisip naming nagtampo ang pusa.

Sinasalamin ng pusa ang isang taong naghangad maka-penetrate sa isang malaking kompanya dahil naiisip niya na aasenso doon ang kanyang career. Pero nang makapasok siya ay hindi nangyari ang kanyang inaasahan. Sa halip ay pulos intriga at sakit ng kalooban ang kanyang napala sa pagtatrabaho doon sa kompanyang pinangarap niyang mapasukan. Nagpapatunay lang na totoo ang kasabihang hindi lahat ng kumikinang ay ginto, puwede rin itong tanso.

vuukle comment

HOLY WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with