^

Punto Mo

Salot sa ‘most improved’ NAIA

Butch M. Quejada - Pang-masa

HINDI biro ang ginawa ng dalawang salot na miembro ng Office for Transportation Security sa ilalim ng Department of Transportation na kapwa intelligence agents aide sa NAIA Terminal 3.
Bakit?

Tinira nila ang salapi ng isang Japanese national na papasok ng paliparan noong araw na kaarawan ni Boss Digong.

Naku ha!

Holy Wednesday, walang patawad ang mga gago!

Nahuli naman ang dalawang anay at sinampal este mali sinampahan ng kasong sa Pasay City Prosecutor’s Office, kaya naman ang mga pangalan nina Stephen Bartolo at Demie Timtim, mga salot ay nasa MIAA Stop List of Personnel na.

Sabi nga, sibak na sila sa paliparan!

Sa totoo lang, gumanda na ang imahe ng NAIA, sa international community dahil inalis na sila sa talaan ng ‘World Most Worst Airports’ ang paliparan hindi katulad noon nakaraan administrasyon. Bukod dito, inilagay naman sa listing ang NAIA sa ‘Top 10 World Most Improved Airports!’

Kaya masaya ang pamunuan ng MIAA sa balitang ito.

Pero ang masaklap ang ginawang katarantaduhan ng taga - OTS sa Japanese national hindi ito biro at sana hindi maapektuhan ang NAIA sa international community.

Sabi nga, huwag naman!

Totoo kaya ang mga kumakalat na bali-balita, kaya diumano nakakaisip ng masama ang ilang mga taga - OTS ay dahil ‘wala sa oras o delayed’ ang kanilang sahod ng halos isang linggo?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kung totoo man o hindi ang balitang dapat itong mabusisi dahil kawawa naman ang mga mahihirap ?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

* * *

Bitay sa mga amo ni Demafelis

IKINATUWA ng madlang people sa Philippines my Philippines ang mga nasagap na balita tungkol sa pagpapataw daw ng death penalty ng Kuwaiti Court sa mga amo ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinatay at isiniksik sa freezer ang labi nito.

Ikinasiya ng madlang pinoy ang balita tungkol sa amo ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf, isang Lebanese national, na hawak na ngayon ng Lebanese authorities at watot nitong si Mona Hassoun, isang Syrian national na nasa Damascus pa.

Sinasabing hinatulan ng Kuwaiti Court na mamatay ang dalawang lintek pero tiyak may appeal pa ang mga kamote para sa kanilang kaso.

Buti nga !

Kailangan tutukan ng gobierno ng Philippines my Philippines ang kasong ito para hindi makawala ang mga culprits at mabigyan ng ‘justice’ ang pamilya ni Demafelis.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with