^

Punto Mo

Walang katapusang tigil-pasada, nakakasawa na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ikinasa na naman ng trasport group na PISTON ang kanilang tigil-pasada sa araw na ito.

Katulad ng dati laman ng kanilang welga ay ang kanilang protesta sa ipinatutupad na modernization program ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan partikular ang mga jeepney.

Giit ng transport group na ipahinto ang naturang programa dahil malaking epekto ito sa kanilang kabuhayan.

Hindi umano sila titigil sa kanilang protesta hangga’t hindi sila pinakikinggan ng pamahalaan.

Pero matindi ang paninindigan ng Duterte administration na patuloy na ipatupad ang programa at hindi sila pakakabog sa mga banta ng transport group na PISTON, nakahanda naman silang magbigay ng  alternatibong pwedeng sakyan ng mga commuters isama pa ang ikakalat na libreng  sakay sa mga maapektuhan ng pagkilos.

Nakailang tigil-pasada na ang grupo, pero ang nakakapagtaka, tila hati ang pananaw dito ng mga katukayo nilang transport group na hindi sumusuporta sa kanilang pagkilos.

Ibig lang sabihin, nakahihigit na transport group ay pumapabor sa modernization program, kasi nga kung hindi eh sumuporta na ang mga ito sa kanilang mga pagkilos.

Matagal nang pinagdedebatehan ang tungkol sa jeepney phaseout, makailang ulit na ring nagbigay o nagpaubaya ang pamahalaan sa maraming hirit ng mga operators at drivers na ipagpaliban muna hanggang sa kanila itong mapaghandaan.

Mahabang panahon na rin ang ibinigay sa kanila, at ngayon nga panay na naman ang reklamo na mukhang hindi na mapagbibigyan pa.

Marahil ay panahon na para lubusang mabigyan ng atensyon ang programang ito, para na rin sa riding public.

Panahon na para mabigyan ang publiko nang maayos na transportasyn kung saan bukod sa sila ay magigng komportable, maayos ang ligtas ang kanilang masasakyan.

Hindi katulad ng mga kakarag-karag ng sasakyan na hanggang sa ngayon ay nagsisitakbo pa sa lansangan. Bukod sa maiitim nang usok na ibinubuga ng mga ito madalas eh nasisiraan pa sa mga lansangan na sanhi pa trapik sa daan.

Hindi lang mga sasakyan ang dapat marahil na i-modernize kundi mismong mga driver .

Walisin din ang mga pasaway at balatuba sa daan. Magpatupad na rin ng maayos na kasuotan sa mga driver para naman maging presentable din sa kanilang mga pasahero.

Kung pwede ay lawakan pa ang sakop ng modenization program para na rin sa matagal nang nagdudusa na riding public, isama na rin ang pagsasaayos sa daloy ng trapiko. Pagsasabayin na yan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with