^

Punto Mo

Ateistang scientist

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAMATAY noong nakaraang linggo ang isang kilalang Bri-tish scientist sa mundo na si Stephen Hawking na napabantog sa kanyang mga obra sa larangan ng physic at astronomiya. Isa siyang English theoretical physicist, cosmologist, author at Director of Research sa Centre for Theoretical Cosmology sa University of Cambridge. Napabantog din siya sa kanyang pananaliksik hinggil sa black hole sa universe. Noong nabubuhay pa siya, nagkaroon siya ng sakit na motor neuron disease na ilang dekadang pumaralisa sa kanyang katawan. Ipinanganak siya noong Enero 8, 1942 sa England. Kabilang din siya sa tagapagtaguyod ng eksplorasyon sa outer space at naggigiit na kailangang maka-hanap ng ibang planetang matitirhan ng tao dahil sa unti-unting pagkawasak ng daigdig.

Pero, sa kabila ng kanyang katalinuhan at kasikatan niya bilang scientist, naging kontrobersiyal din siya sa kanyang pagiging ateista. Kapag siya ang pinag-uusapan, hindi maaaring hindi mabanggit ang kanyang pananaw sa relihiyon. Hindi kasi siya naniniwala sa Diyos. Naniniwala siyang ang universe ay pinangangasiwaan ng mga batas ng siyensiya.

May isa pa nga siyang pahayag na, “Malaya tayong paniwalaan ang gusto natin at, sa aking pananaw, ang simpleng paliwanag ay walang Diyos. Walang lumikha sa universe at walang nagtatakda sa ating kapalaran. Dahil dito, napagtanto ko, maaaring walang langit at wala ring buhay pagkatapos ng kamatayan (afterlife).”

Sabi pa niya, “Bago natin maunawaan ang siyensiya, natural lang na maniwala sa Diyos na lumikha sa santinakpan. Pero ngayon, meron nang mas kumbinsidong paliwanag ang siyensiya. Ibig kong sabihin ng ‘malalaman natin ang nasa isip ng Diyos’ ay malalaman natin ang lahat ng bagay na alam ng Diyos, kung meron ngang Diyos, na wala naman. Isa akong ateista.”

Kaya, nang mamatay si Hawking, hindi rin maiwasan sa mga komento sa social media ang maungkat ang kanyang pagiging ateista. May mga nagsasabing mananagot siya pagdating sa kaharian ng Diyos o malaki ang dapat niyang ipaliwanag sa Diyos hinggil sa kawalan niya ng pananampalataya rito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with