^

Punto Mo

Mag-asawa sa Pennsylvania, iniligtas ng alagang pusa sa sunog

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINIKILALANG bayani ang alagang pusa ng isang mag-asawa sa Pennsylvania matapos silang mai-ligtas nito sa nasusunog nilang tahanan.

Ayon sa mga bumbero na rumesponde sa sunog ay natutulog na ang mag-asawa ng mga dakong 1:30 ng madaling araw noong nakaraang Biyernes nang bigla na lang silang nagising dahil sa kanilang pusa.

Nagwawala kasi ang pusa nang pumasok ito sa kanilang kuwarto kaya nagtaka kaagad sila sa ikinikilos nito.

Noon na nila natuklasan ang apoy mula sa kanilang palikuran. Nakalikas naman ang mag-asawa mula sa kanilang nasusunog na bahay bago pa kumalat ang apoy.

Kung tumagal pa raw ng hanggang isa o dalawang oras bago nalaman ng mag-asawa na nasusunog ang kanilang bahay ay baka hindi na raw nagising ang dalawa sa gitna ng nagliliyab nilang tahanan, ayon sa deputy chief ng mga bumbero na si Tom Perciavalle.

Sa attic daw nagsimula ang apoy at unti-unti itong kumalat dahil walang smoke alarm system ang bahay. Mabuti na lang daw talaga at naging alisto ang alagang pusa ng mag-asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with