^

Punto Mo

4 Tips and Tricks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Napaasim ang iyong niluluto dahil sumobra ang suka, kalamansi o kamatis, paano mo ito gagawan ng paraan? Dagdagan ng isang kurot na baking soda ang niluluto upang mabawasan ang asim. Hindi ako gumagamit ng asukal dahil kapag kaunti lang ang idinagdag, lalo lamang maha-highlight  ang asim. Kung dadamihan naman ang asukal, baka naman maging syrup na ang iyong niluluto. Kaya mas safe na gumamit ng isang kurot na baking soda.

2. May mga taong nangangati ang tenga kung fancy earrings ang ginagamit. Kung minsan kahit totoong gold, nangangati pa rin. Pahiran ng kaunting Vaseline petroleum jelly ang kawit ng hikaw para hindi ka na mangati.

3. Paano bibigyan ng pangalawang buhay ang natirang French fries? Sa kawali ipainit, huwag sa microwave oven dahil titigas ito. Painitin ang kawali. Pahiran ng kaunting oil. Ilagay sa medium heat. Ilatag isa-isa ang fries sa kawali at haluin ito paminsan-minsan.

4. Hindi mo akalaing sobra palang anghang ng pag- kain isinubo mo. Paano mo tatanggalin ang anghang sa iyong bibig? Narito ang pagkaing magtatanggal ng ang­hang:

• asukal— kumain ng isang kutsaritang asukal at hayaang nakababad ito sa bibig ng ilang minuto.

• Lemon or lime—hiwain ng manipis ang lemon at ito ang sipsipin.

• Peanut butter — isubo ang isang kutsarita at nguyain ito. Kapag naubos na pero may anghang pa rin, lagyan ng peanut butter ang isang hiwa ng loaf bread. Ito ang kainin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with