^

Punto Mo

‘Dirty Harry’ ng Maynila, PDP-Laban na!

Butch M. Quejada - Pang-masa

THE other day, masayang inanunsyo ng PDP - Laban party na si dating Manila Mayor Alfredo Siojo Lim, ang kanilang pambato este mali official candidate pala sa Maynila at pambato bilang Alkalde todits.

Kaisa si Fred sa adhikain ng administrasyon ni Duterte na labanan ang kriminalidad, droga at korapsiyon na ginagawa ni Lim noong Mayor pa siya sa Maynila.

Sa puntong ito, nagpapasalamat si Fred kay Senate President Koko Pimentel, pangulo ng partido sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging official candidate ng PDP-Laban sa Maynila.

Ang sabi ni Lim, kapag siya ang nanalong Alkalde sa Maynila ay hindi niya bibiguin ang mga adhikain ni Boss Digong para sa madlang people rito at tutulong sa mga proyekto ng pangulo para sa bayan.

Hindi pa nag-uumpisa ang eleksyon sa Mayo ay tiwala na si Lim na siya ang mananalo rito dahil sawa na ang madlang people aniya sa mga pabalat at kaplastikang nangyayari sa Maynila.

Ika nga, ang mga mahihirap sa Maynila ay lalong naghihirap kaya sana matulungan natin sila at mabago ito pag-upo ko!

Abangan.

* * *

Si Inday at si Bebot

Pinabilib tayo,  sa decision making ni Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio, na dehins siya tatakbong kongresista alang-alang sa kanyang mga anak na hindi niya kayang iwanan kahit ilang araw kapag nasa Kamara siya.

Itinulak na lamang ni Inday Sarah sina Taguig Rep. Pia Ca-yetano at Communications Assistant Secretary Margaux ‘Mocha’ Uson bilang Senador at susuportahan niya ang mga ito.

Inanunsyo ni Inday Sarah ang kanyang decision making sa harapan ng madlang pinoy na nagtiwala para maluklok ang kanyang erpat sa pagka-pangulo noong nasa Hongkong siya para pasalamatan ng personal ang madlang pinoy doon na bumoto kay Boss Digong last 2016 election.

Sabi nga, daghan salamat sa inyo !

Last week, inilunsad ni Inday Sarah ang bagong partido nito na tinawag na ‘Hugpong ng Pagbabago,’ na ikinairita diumano ni House Speaker Bebot Alvarez kaya naman pinagbintangan ng huli ang una diumano’y miembro ng opposition.

Sa pangyayaring ito naging talk of the town ang mga patutsadang ginawa ng dalawa.

Dahil sa mga diumano’y salitang binitawan ni Bebot na nakarating kay Inday Sarah sinupalpal ng huli ang una na umano’y ikinatahimik nito.

Napansin ni Bebot na mainit si Inday Sarah kaya umatras ito kasama ang kanyang diumano’y anino ? Hehehe!

Sabi nga, sana hindi na lumaki pa!

Ngayon, naramdaman ni Bebot na hindi siya bibiruin ni Inday Sarah kaya tumahimik na lamang ito at nagmuni-muni.

Ika nga, para magbilang umano ng mga bituin?

Naku ha!

Totoo ba ito?

Sa decision making ni Inday Sarah na hindi siya tatakbo sa Davao bilang kongresista parang ikinatuwa ito ng mga dapat niyang makalaban kasi siguradong ilalampaso ng Alkalde ang taong lalaban sa kanya.

Sabi nga, oras na nanalo si Inday Sarah bilang kongresista tiyak daw na ito ang Speaker of the House?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with