^

Punto Mo

Pinakamatandang tao at kahuli-hulihang ipinanganak noong 1800s, pumanaw na sa edad na 117

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PUMANAW na ang kinikilalang pinakamatandang tao sa mundo na si Emma Morano sa edad na 117.

Bukod sa pagiging pinakamatanda ay kinikilala rin si Morano bilang kahuli-huling tao na ipinanganak noong 1800s.

Ipinanganak sa Italy noong November 29, 1899, nagawa ni Morano na mabuhay sa tatlong magkakaibang siglo, 11 Santo Papa, at dalawang digmaang pandaigdig.

Si Morano ang pinakamatanda sa walong magkakapatid na bukod sa kanya ay namayapa na lahat.

Noong nakapanayam si Morano ay sinabi niyang nasa lahi na talaga nila ang pagkakaroon nang mahabang buhay.

Umabot sa edad na 91 ang kanyang ina samantalang ang kanya namang mga kapatid ay umabot sa kanilang mga sentenaryo.

Ngunit naniniwala rin siyang ang pagkain niya ng itlog araw-araw sa loob ng 90 taon ang isa sa dahilan sa napakahaba niyang buhay.

Hindi raw kumakain ng prutas at gulay si Morano, ayon sa doktor niyang si Carlo Bava. Sa halip ay dalawang hilaw na itlog ang kinakain niya sa agahan, isang omelette sa tanghalian, at manok naman sa hapunan.

Mas bata si Morano ng limang taon sa pinakamatandang tao sa kasaysayan na si Jeanne Louise Calment na pumanaw noong 1997 sa edad na 122. Panlima pa rin si Morano sa pinakamatatandang tao sa lahat.

Ang taga-Jamaica na si Violet Brown na ang kinikilala ngayong pinakamatandang tao na nabubuhay pa. Ipinanganak noong March 10, 1900, 117 taon at 37 araw na ang edad ni Brown.

vuukle comment

EMMA MORANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with