^

Punto Mo

7 Life Hacks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Kung may nanghiram sa iyo ng kahit anong gamit, kuhanan mo ito ng picture o video. Una para hindi mo makalimutan na nagpahiram ka ng gamit. Ikalawa, Para alam mo ang orihinal na hitsura, malay mo, pagbalik sa iyo, iba na ang hitsura nito dahil nasira o napalitan.

Sa mga writer: Ang pag-inom ng alak nang katamtaman ay nakakatulong para lalong maging malikhain.

10 pagkain na magaling tumunaw ng fats sa katawan: cinnamon, hot peppers, grapefruit, pakwan, kamote, itlog, kape, suka, gatas at beans.

Bago gamitin ang sponge na paulit-ulit nang nagamit, painitin mo to sa microwave ng 2 minutes. Napatunayang nakakamatay ito ng 99 percent germs.

Sa tuwing naaasar ka sa iyong magulang, alalahanin mo ang perwisyong ginawa mo sa kanila noong bata ka pa—pinuyat, sinukahan, tinaihan, inihian, —pero hindi sila naasar sa iyo kahit kailan.

Kailangan ang 3 oras na pagtakbo upang mabawasan ng one pound ang iyong timbang. O, kaya, tumakbo ng 27 minutes araw-araw, para mabawasan ng one pound ang iyong timbang per week.

Kapag may paparating na bagyo, malaki ang tsansa na magkaroon ng brown out. Bago mangyari ang mga nabanggit, maglagay ng tubig sa maraming plastic bottle at ilagay sa freezer. Kapag nawalan ng kuryente, magiging matagal ang lamig ng inyong refrigerator dahil sa mga nagyelong tubig. Kapag natunaw na ang mga ito, mayroon kayong reserbadong cold water.

vuukle comment

CINNAMON

GRAPEFRUIT

HOT PEPPERS

ITLOG

KAMOTE

KAPE

PAKWAN

SUKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with