^

Punto Mo

Teenager mula Romania, posibleng maging pinakamatangkad na NBA player sa kasaysayan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 16-anyos na basketball player mula Romania ang may tsansang maging pinakamatangkad na NBA player sa kasaysayan, sakaling palarin siyang makapasok sa prestihiyosong liga.

Nasa unang taon pa lamang siya ng highschool ngunit may taas nang 7’7” si Robert Bobroczky.

Labindalawang taon pa lang siya nang siya ay maging 7 footer at kung magpapatuloy pa ang kanyang pagtangkad, hindi malayong maabot niya ang taas na 8 talampakan na tanging 18 katao lang sa kasaysayan ang nakaabot.

May pinagmanahan ang kakaibang tangkad ni Robert dahil isa ring 7 footer ang kanyang ama na dating basketball player sa Romania.

Dahil sa kanyang mabilis na pagtangkad, mabilis napansin ang potensiyal niya sa basketball. Ngayon ay nakatira na siya at ang kanyang pamilya sa US upang doon mag-aral at para makapaglaro bilang varsity player ng isang high school doon.

Kung palaring makapasok sa NBA, malaki ang tsansang malampasan pa niya ng taas ang pinakamatangkad na player sa kasaysayan ng liga na si Manute Bol, na katulad niya ay 7’7” din ang height.

vuukle comment

ROMANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with