^

Punto Mo

Lie Detector Robot

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

BUMILI ang ama ng lie detector robot dahil napipikon na siya sa pagsisinungaling ng kanyang anak na lalaki. Ang robot ay nananampal kapag nagsisinungaling.

Minsan ay madaling araw na nang umuwi ang anak. Kinastigo ito ng ama.

Bakit ka ginabi?

Nag-group study po kami.

Lumapit ang robot at sinampal ang anak.

Halos maduling ang anak sa sobrang lakas ng sampal kaya nagsabi na ito ng totoo.

Okey…okey nanood po kami ng porn movie sa bahay ng kaklase ko.

Nandilat ang ama at saka nagsalita.

Porn movie? Aba, kinse anyos  ka lang…nanonood ka na ng porn movie? Ako nga, inabot ko ang singkuwenta anyos nang hindi man lang naranasang manood ng malaswang pelikula.

Lumapit ang robot at sinampal ang ama. Nakita iyon ng ina. Napahagalpak ito nang tawa, sabay sabi ng…

Hay nakow…may pinagmanahan…ikaw nga ang ama ng iyong anak!

Biglang lumapit ang robot sa ina at sinampal din ito. Natigalgal ang ina. Namutla. Napaisip ang ama. Tinitigan niya ang anak. Tinitiyak kung kamukha niya.

vuukle comment

AMA

ANAK

ANG

BAKIT

BIGLANG

KINASTIGO

LUMAPIT

MINSAN

NAKITA

NAMUTLA

NANDILAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with