^

Punto Mo

Sir Juan (74)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT ko kukunan uli si Mahinhin?’’ tanong ni Gringo na naguguluhan.

“Dun nga tayo mag-usap sa resto para maintindihan mo ang pinagagawa ko.’’

“Tara.’’

Lumabas sila ng kampus at nagtungo sa restaurant.

Sa isang nasa sulok na mesa sila pumuwesto. Nag-order si Nectar ng pagkain at pagkatapos ay hinarap na si Gringo.

“Gaya nang nasabi ko, kunan mo uli ng pictures si Mahinhin. Tiyakin mo na si Mahinhin ang kinukunan mo ha?’’

“Si Mahinhin naman talaga ang kinunan ko.’’

“Duda kasi yung may-ari ng boarding house na si Mahinhin ang nasa picture. Hindi siya kumbinsido.’’

“Tange pala siya e. Sino pa naman ang kukunan ko sa KOLEHIYALA kundi si Mahinhin.’’

“Basta ang feeling ko, may doubt siya. Kaya kunan mo uli. Puwede ba kunan mo siya nang nakasibilyan? Ibig kong sabihin, yung naka-maong at shirt siya. Mahilig magsuot yun ng kupas na maong at white shirt.’’

“Putsa naman, paano ko makukunan yun e hindi ko pa nga nakikita na mayroon siyang damit. Mas makikilala ko siya kung nude.’’

“E di ipagtanong mo sa waiter dun. Imposibleng walang nakakakilala kay Mahinhin.’’

“Ipinagtanong ko na pero wala raw Mahinhin dun. Nagpapalit daw ng name ang dancer.’’

“Basta gumawa ka nang paraan Gringo. Sige ikaw din baka hindi mo makita ang nasa kabila ng pugad ng The Raven.’’

Natigilan si Gringo. Parang nanghinayang.

“Talaga bang ipakikita mo, Nec? Baka naman niloloko mo ako.’’

“Hindi kita niloloko, Gringo. Gusto mo masilip ngayon?’’

“Ang nasa kabila ng itim na pugad ng The Raven?’’

“Hindi, ang boobsie muna.’’

Napalunok si Gringo.

“Puwede?’’

Inilapit ni Nectar ang mukha at katawan kay Gringo at saka tumungo. Sapat iyon para masulyapan ni Gringo ang mga pisngi ng boobsie sa uka ng t-shirt ni Nectar. Ilang segundo ring nakatungo si Nectar para hayaan si Gringo na magpista sa dalawang malulusog na boobsie na umalagwa sa makipot na bra.

“Opps awat na.’’

“Sandali na lang Nec.’’

“Kapag nagawa mo na ang assignment, hindi lang makikita kundi mahahawakan pa.’’

Napalunok muli si Gringo.

“Okey si­ge. Babalik ako sa KO-LE­HIYALA  at kukunan ko uli si Mahinhin.”

“Good boy!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABALIK

DUDA

GAYA

GRINGO

MAHINHIN

NAPALUNOK

NEC

PUWEDE

SI MAHINHIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with