^

Punto Mo

Sir Juan (73)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NABIGO si Sir Juan na makita si Mahinhin sa KOLEHIYALA pero muli siyang magbabakasakali sa mga susunod na araw. Maaaring makita niya si Mahinhin sa muli niyang pagpunta. Pero sigurado siya na hindi si Mahinhin ang huling babae na nag-perform. Sigurado siya dahil mayroong nunal sa balikat si Mahinhin. Ang babaing nagsayaw ay kahawig lamang ni Mahinhin. May similarity sila pero kahit pa magbali-baliktad o magpatuwad-tuwad ang babae, hindi siya si Mahinhin. May kakaibang ganda si Mahinhin. Nakita na niya ang katawan ni Mahinhin nang bigla siyang pumasok sa kuwarto at naabutang nagbibihis ito. Hindi siya maaaring magkamali.

Sa makalawa ay muli siyang pupunta sa KOLEHIYALA para hanapin si Mahinhin. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakikita si Mahinhin. Gusto niyang malaman ang katotohanan. May kutob siyang ang mga picture na pinakita sa kanya ni Nectar ay hindi si Mahinhin. Kamukha lamang ni Mahinhin ang babaing iyon!

NANG mga sandaling iyon ay hindi naman mapakali si Nectar sapagkat tila walang epekto kay Sir Juan ang mga pinakita niyang picture dito. Hindi kumbinsido si Sir Juan. Duda ito kung iyon nga si Mahinhin. At palagay ni Nectar kaya hindi na niya masolo si Sir Juan sa kuwarto nito ay dahil busy sa paghahanap kay Mahinhin. Kapag pinupuntahan niya sa kuwarto kung hatinggabi ay walang tao. Binuksan nga niya ang kuwarto pero walang tao. Ganundin ng mga sumunod pang gabi kaya sigurado siya na may mahalagang pinupuntahan si Sir Juan. At napansin din niya na parang iniiwasan siya.

Napasuntok sa palad si Nectar. Nanghinayang kasi siya dahil muntik nang bumagsak si Sir Juan sa kanya kundi dahil sa tumawag na kapatid. Buwisit talaga.

Hanggang sa maalala niya si Gringo, ang classmate na malaki ang gusto sa kanya. Muli niyang lalapitan si Gringo at uutuin na kunan muli ng retrato si Mahinhin. Kailangang siguruhin niya na si Mahinhin nga ang kinukunan niya.

Pero naisip naman ni Nectar, paano kung mani-ngil na si Gringo. May utang siya rito.

Bahala na.

Nang hapong iyon, ina­bangan niya si Gringo.

“Gringo, may ipagagawa uli ako sa’™yo.’’

“Oopps teka, baka nalilimutan mong may utang ka pa sa akin, Nectar baby.’’

“Hindi ko nalilimutan yun.’’

“Mabuti naman at naaalala mo pa ang pugad ng The Raven, he-he-he!’’

“Oo naalala ko yun. Makikita mo na ang pugad ng uwak o Raven kapag nagawa mo ito.”

“Totoo?”

“Oo gusto mo ngayon na?’’

Napangisi si Gringo.

“Aba okey ka Nec baby. Teka ano bang ipagagawa mo?’’

“Gusto ko, kunan mo uli ng picture si Mahinhin sa KOLEHIYALA.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAHALA

BINUKSAN

HINDI

MAHINHIN

NIYA

OO

PERO

SIR JUAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with