^

Punto Mo

Sir Juan (62)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG oras umalis si Mahinhin, Nectar?’’ Tanong ni Sir Juan na halatang balisa sa pag-alis ni Mahinhin.

“Mga alas dose po ng hatinggabi. Palabas ako ng aming room nang makita siya. Bitbit niya ang maleta.’’

“Hindi mo tinawag?’’

“Bakit ko po naman siya tatawagin e wala naman akong paki kung ano ang gagawin niya.’’

Napahinga nang malalim si Sir Juan. Bakit ganito si Nectar? Walang pakialam.

“At saka Sir Juan hindi ko naman alam kung saan siya pupunta. Malay ko ba kung nagpaalam na siya sa iyo.’’

“Dalawang araw akong busy. May ipinaaayos ang kapatid kong nasa Sydney. Hindi ko alam na wala na pala si Mahinhin.’’

Napaismid si Nectar. Halatang nag-aalala si Sir Juan kay Mahinhin. Parang balisang-balisa ito.

“Ang ipinagtataka ko e bakit umalis agad siya gayung wala pa naman akong sinasabi. Ni wala pa akong nababanggit ukol sa mga pictures niya…’’

“Guilty kasi.’’

“Nagtataka talaga ako kung bakit siya agad-agad umalis.’’

“Pero di ba gusto mo na nga siyang paalisin dito dahil sa malaswa niyang ginagawa sa KOLEHIYALA.”

“Pero kakausapin ko pa nga siya. Para bang ang bilis ng pangyayari at agad-agad ay umalis. Takot na takot.’’

“Guilty nga kasi.’’

Napahinga muli nang malalim si Sir Juan.

Iniisip niya kung paano hahanapin si Mahinhin. Saan kaya natulog iyon? Kawawa naman!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

BITBIT

DALAWANG

HALATANG

MAHINHIN

NAPAHINGA

PERO

SIR JUAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with