^

Punto Mo

EDITORYAL – Marami na namang bigas ang nasayang

Pang-masa

HINDI malilimutan ang mga nangyari sa saku-sakong bigas na nasira habang nasa bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Food Authority (NFA) sa Eastern Samar makaraang manalasa ang Bagyong Yolanda noong 2013. Ang mga nasirang bigas ay para sa mga biktima ng Yolanda. Ang mga nabulok na bigas ay ipinag-utos na ibaon. Inamin naman ng DSWD na may mga nasira nga subalit iyon daw ay nabasa habang dinadala sa mga biktima ng Yolanda sa Eas-tern Samar at iba pang lugar.

Habang maraming biktima ng bagyo ang na-mumroblema kung saan kukuha ng kakainin, nabulok lamang ang mga bigas dahil sa hindi maayos na pag-transport. Naiwasan sana ang pagkasira ng bigas at mga naka-pack na pagkain kung naging maingat sa pagdadala. Walang sistema ang DSWD kung paano ihahatid ang mga donasyong bigas.

Pero hindi pala iyon ang huling pangyayari kung saan maraming nasirang bigas. Pati pala ang mga bigas na intended sa mga biktima ng Bagyong Ruby na nanalasa noong Disyembre 2014 ay hindi rin napakinabangan dahil nasira rin.

Nabasa rin ang mga bigas na dadalhin sana sa mga biktima ng Bagyong Ruby sa Dagami, Leyte. Inamin ng DSWD-8 na marami ngang bigas ang nasira at ibinaon na lamang ang mga ito. Umano’y nasa 284 sako ng bigas ang nasira habang nasa bodega sa Tacloban City. Ang mga bigas ay bahagi umano ng 3,704 sako ng bigas na donasyon para sa mga biktima ng bagyong Ruby.

Nang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa Dagami, Leyte, natuklasan nila ang mga ibinaong bigas. Hinukay ang mga iyon at nakita ang mga sako ng bigas na may “NFA” at “DSWD” markings. Nakabaon iyon sa hukay na may lalim na walong talampakang hukay at 10 talampakang luwang. Bukod sa mga sako ng bigas, may nahukay ding mga naka-pack na pagkain at mga lata ng sardinas.

Nakapagtataka kung bakit nabasa at nasira ang mga bigas. Hindi na natuto ang DSWD sa nangyari noong 2013 na nasira ang  mga bigas at ibinaon din. Tanging mga insekto ang nakinabang sa halip na mga kawawang tao ng biktima ng bagyo. Sana mapag-aralan ng DSWD na maging maingat sa pag-transport ng donasyong pagkain para di-mabulok.

vuukle comment

ANG

BAGYONG RUBY

BAGYONG YOLANDA

BIGAS

BIKTIMA

DAGAMI

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DSWD

EASTERN SAMAR

INAMIN

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with