^

Punto Mo

Ang Pinakamasuwerteng Aso

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Asia ay isang yellow Labrador Retriever na nagsisilbing guide dog ng isang bulag na radio journalist. Ang amo ni Asia ay si Alessandro Forlani, na nagtatrabaho para sa Italian RAI radio. Isa si Forlani sa libo-libong journalists na nakipag-meet and greet kay Pope Francis pagkaraang siya ay hiranging bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Pagpasok pa lang ni Forlani sa simbahan ay hinarang na sila ng Swiss guard at sinabing bawal ang hayop sa loob. Ngunit ilang segundo lang ang nakakaraan ay sinabihang muli si Forlani ng guard na puwede na siyang pumasok sa simbahan, kasama si Asia.

Pagkatapos ng speech ni Pope Francis, nagsitayo ang mga journalists upang pumila  para sa baciamano o tradisyunal na paghalik sa singsing ng Santo Papa o kaya ay simpleng pagyakap sa kanya. Hindi pa nakakatayo si Forlani nang lapitan siya ng Vatican officials. Pinapalapit daw siya ni Pope Francis kasama si Asia.

Habang nag-uusap si Pope Francis ay halinhinang inamuy-amoy daw ni Asia ang laylayan ng abito ng Santo Papa at ang black shoes nito. Maya-maya ay binasbasan  si Asia, ang kauna-unahang hayop na nakatanggap ng basbas ng Santo Papa. Aba, kung susuwertehin, baka siya ang magiging kauna-unahang aso sa langit.

vuukle comment

ALESSANDRO FORLANI

ANG

ASIA

FORLANI

HABANG

ISA

LABRADOR RETRIEVER

NGUNIT

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SIMBAHANG KATOLIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with