^

Punto Mo

Shocking Letter kay Tatay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAGISING ang ama na ang bumungad sa kanya ay isang liham na nasa ibabaw ng TV. Katabi ng liham ay ang report card ng kanyang nag-iisang anak na babae. Una niyang binuklat ay ang report card. Napaismid siya. Namumutiktik ang palakol. Pasado naman lahat pero mga pasang awa. Mapurol talaga ang ulo ng anak niya. Kanino kaya nagmana ng kabobohan ang kanyang anak? Saka niya naalaalang buksan ang liham at basahin.

Dear Itay,

Sa oras na ito ay kapiling ko na si Igme. Nagpasya akong makipagtanan sa kanya dahil mabait siya sa akin. Kahit malaki ang gap ng aming age, 30 siya at 15 naman ako, nagkakasundo po kami. Kahit po ako bobo sa school, lagi po niya akong pinupuri. Mas nakikita niya ang iba kong talent kagaya ng kahusayan ko sa pagba-ballet at aking magandang boses. Ang buhay po naman daw ay hindi lang umiikot sa matataas na grades.

Kahit po siya walang trabaho at pulos tattoo ang katawan, sobra pong bait niya sa akin. Hindi po pala ganoon kasama ang lasa ng marijuana. Pinatikim po niya ako. Aba, nakalimutan ko ang aking problema. Problema ko po kayo,Tatay. Bakit hindi mo matanggap na hanggang 78, 77 o 75 lang ang kaya kong ibigay na grade sa iyo? Ginagawa ko naman ang lahat, pero hanggang doon lang talaga ang kaya ko. Nadebelop po ang feelings ko kay Igme, kasi kahit ako bobo, mahal pa rin niya ako. Buntis po ako kaya nakipagtanan na ako sa kanya.

Love,

Ashley

Napahagulgol ang ama. Si Igme ang tambay sa kanto na alam niyang may crush kay Ashley. Nang pahirin niya ang kanyang luha, saka lang niya napansing may nakasulat pa sa likuran ng liham. May karugtong pa.

P.S.

Joke! Tatay, walang katotohanan ang lahat ng sinabi ko. Nasa kapitbahay lang ako. Gusto ko lang pong maisip  ninyo ni Nanay na may mas mabigat pang problema sa buhay kaysa aking mabababang grades. Paki-text na lang po kung okey na akong umuwi. Kung hindi na mainit ang ulo ninyo dahil sa mabababang grades ko.  I love you !

vuukle comment

AKO

ANG

ASHLEY

DEAR ITAY

IGME

KAHIT

LANG

NIYA

SI IGME

STRONG

TATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with