^

Punto Mo

Sir Juan (26)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATULOY si Nectar sa pag­buntot kay Mahinhin. Hindi siya dumidikit dito at baka biglang lumingon ay makita siya. Mukhang nila-lakad lang ni Mahinhin ang pinagtatrabahuhan. Saan kaya iyon? Baka fastfood chain? Pero wala naman siyang makitang establishment na ang iniaalok ay pagkain.

Patuloy siya sa pagbuntot dito. Hindi niya hinihiwalayan ng tingin at baka biglang mawala. Sayang ang kanyang pagod kapag nakawala sa paningin niya si Mahinhin.

Isa pang kalsada ang tinawid ni Mahinhin. Mara-ming sasakyan at mga taong naglalakad. Pawang mga ba­bae at lalaki na galing marahil sa opisina dahil mga nakaunipormeng pangpasok ang suot.

Hanggang sa bumilis ang paglalakad ni Mahinhin. Baka mali-late na kaya nagmamadali, malapit nang mag-6:30 ng gabi. Baka 7:00 ang time niya. Oo nga. Ano ka-yang trabaho ni Mahinhin.

Binilisan din ni Nectar ang paglalakad. Napansin niya na may mga KTV bar sa lugar. Pawang kukutikutitap ang mga ilaw. Ilang KTV ang nadaanan niya.

Malayo pa kaya ang work ni Mahinhin?

Hanggang sa makita ni Nec­tar na sa sunod na kanto ay lumiko si Mahinhin. Doon na siguro ang work niya. Sinundan niya.

Nagulat si Nectar sapagkat ang tinungo ni Mahinhin ay isang KTV bar na ang pangalan ay KOLEHIYALA. Malaki ang pagkakasulat ng pangalan na tila nag-aapoy sa liwanag.

Napatigil si Nectar. Ilang saglit na nag-isip. Tama ang hula niya! Ano ang trabahong papasukin sa KTV kundi ang magsayaw nang hubad. At tamang-tama ang pangalan: KOLEHIYALA.

Hindi na lumapit si Nectar sa KTV bar. Sapat nang malaman niya kung saan nagtatrabaho si Mahinhin. Nga-yon ay mayroon na siyang ma­rereport kung sakali kay Sir Juan. Bistado na niya si  Mahinhin. Sabi na nga ba!

Kaya pala sa gabi ito nagtatrabaho ay dahil sa pang­gabing aliwan ang pina­pa­sukan. Working student pala ha!

Nagpasya nang umalis si Nectar. Parang may pakpak ang kanyang mga paa habang pabalik.

Tiyak na magugulat si Sir Juan kapag ipinagta-   pat niya ang nadiskub­re. Tiyak na paaalisin niya si Mahinhin. At kapag nangyari iyon, baka siya na titira sa aalisang room ni Ma­hinhin. Ha-ha-ha!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

HANGGANG

ILANG

MAHINHIN

NIYA

PAWANG

SHY

SIR JUAN

TIYAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with