^

Punto Mo

Para sa batang pihikan kumain

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

HETO ang payo ni Dr Chin Morabe, isang Pediatrician sa batang mahina kumain.

Napakalaking papel ang ginagampanan ng magulang na gabayan ang pag-uugali sa pagkain ng kanilang anak.

Una sa lahat, alamin ang dahilan. Wala ba talagang gana o sad-yang mapili lang sa pagkain. Tiyaga at pasensya ang kailangan upang mapaunawa sa kanila ang kahalagahan ng wastong pagkain. Hindi mapupunan ng pagbibigay ng bitamina ang kakulangan sa tamang pagpapakain sa bata.

Narito ang tips:

1. Maging mabuting halimbawa sa bata.  Ang bata ay naiimpluwensyahan ng mga bagay na kanilang nakikita. Kung gusto mong kumain ang bata ng ampalaya, dapat ay ipakitang kumakain ka din nito. Maari ding makaengganyo ang mga nakatatandang kapatid o pinsan kung nakikitang magana silang kumain.

2. Isama ang bata sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain.  Maaring mas matagal ang pag­luluto pero mas nagiging interesado ang bata na tikman kung ano ang kanilang nagawa. Isama din sa grocery kung saan maari siyang makapamili ng prutas at gulay na gusto niya.

3. Gawing kaaya-aya ang hapag kainan.  Alisin ang telebisyon, laruan o ano mang mga gadgets sa oras ng pagkain. Ang salu-salo ay hindi din oras upang pagalitan o sermonan ang bata na maaring makapagdulot ng maling signal sa bata kung saan nagiging negatibo ang pananaw sa pagkain. 

4. Magluto ng iba’t ibang putahe upang hindi madaling magsawa. Iwasan din na tanging ang paborito nitong pagkain lang ang ihahanda dahil yun lang din ang aasahan ng bata lagi sa mesa. Sa halip maglagay din ng mga bagong sangkap at unti-unting ipakilala ito sa bata. Maa-ring umabot sa 10-15 beses bago ito magustuhan ng bata.

5. Maging malikhain sa paghahanda ng pagkain gaya ng iba’t ibang hugis at kulay.  Bukod sa natututo ang bata, nawiwili din itong kumain. Ang panlasa nila ay sensitibo sa kulay, hugis, anyo, at pagkapino ng pagkain. 

6. Magtakda ng regular na oras ng pagkain at miryenda. 
Iwasan ang meryenda kung malapit na ang oras ng hapunan dahil mawawalan na sila ng gana. Kahit ayaw kumain ng bata panatilihin pa din siyang kasama sa mesa tuwing oras ng pagkain. Masasanay ito kapag hinayan manood o maglaro na lamang at hindi mapapaintindi ang kahalagahan ng pagkain.

7. Ilayo ang mga pagkain o inumin na ayaw nating ibigay sa bata, tulad ng soft drinks. Mas mainam na wala ito sa bahay kaysa nakikita nila ngunit sila ay pagbabawalan.

8. Huwag gawing premyo ang pagkain gaya ng pagbibigay ng tsokolate matapos maubos ang gulay. Sa halip na mapaunawa ang kahalagaan ng gulay mas natatakam tuloy sila sa premyong tsokolate. 

9. Iwasang puwersahin ang bata, baka lalo nitong katakutan ang pagkain. Imbes na pilitin, unawain ang bata. Kausapin ng mahinahon at alamin ang dahilan ng kanilang pag-ayaw. 

10. Huwag mag-alinlangan magtanong sa doctor kung kinakailangan. Happy eating!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATA

DIN

DR CHIN MORABE

HUWAG

ISAMA

IWASAN

KUNG

NBSP

PAGKAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with