^

Punto Mo

Sulat

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nag-iikot sa mga pasugalan, putahan at mga beerhouse sa Quezon City itong si Ernie de la Cruz alyas Bombay para i-kolekta ng lingguhang intelihensiya ang mga amo niya. Maraming pangalan ang binabanggit ni De la Cruz at Biyernes ang pag-abot niya ng tangga sa mga amo niya, ayon sa mga kosa ko. Pulis kaya ang mga amo ni De la Cruz? Kung sa gayon, dapat ipa-entrap ni Chief Supt. Edgardo Tinio, ang hepe ng Quezon City Police District (QCPD,) si De la Cruz para maarok niya ang ilegal na gawain nito.

* * *

Tunghayan muna natin mga kosa ang sulat sa akin ni Ryan Bacordo, alyas Ryan Batangas, ang pumalit kay Lito Guerra alyas Bombay, na tong collector sa mga pasugalan at iba pang pagkakitaan sa Calabarzon area. Para sa mga hindi pa nakaalam, si Bacordo ang gamit nang bagman na si Atty. Gerry Asuncion bilang taga-ikot sa mga players sa Southern Tagalog para sa opisina ni Calabarzon police director Chief Supt. Richard Albano. Si Bacordo rin ang may hawak ng Office of Internal Security (OIS) ni DILG Sec. Mel Senen Sarmiento at kanyang Special Police Assistant (SPA) Chief Supt. Bart Tobias. Isama ko na ang opisina ni NBI director Virgilio Mendez, GAB at ipa pang ahensiya ng gobyerno. Para maging parehas naman ako, narito mga kosa ang kabuuang sulat ni Bacordo. Walang bawas ‘yan!

Non Alquitran PM Tabloid

Ako po si Ryan Bacordo ay nakikiusap sa inyo na mapagbigyan naman po ng konting pabor na huwag po na mapa jaryo sa inyo pong sinusulatan na PM tabloid alang-alang po sa aking mga anak na nag-aaral po sa high school at kolehiyo. Ako po ay naghahanapbuhay lang po para mabuhay ng marangal at hindi po gumagawa ng kasamaan sa kapwa tao. Ang akin lang pong hanapbuhay ay sa Batangas lang po.

Ako po ay tiklop tuhod na nakikiusap sa inyo pong lingkod ng konting pang-unawa.

Salamat po at lubos na gumagalang…

Ryan Bacordo

Naintindihan ko naman ang sentimyento ni Bacordo. Subalit lilinawin ko naman na wala naman akong masamang tinapay sa kanya. Oo nga, trabaho lang ang pinasok niya subalit nakalinya naman sa mga ilegal, di ba mga kosa? Siyempre, kapag pinasok mo ang ilegal dapat arok ni Bacordo na kasama sa trabaho niya ang mapulaan sa diyaryo, radio at TV at maari rin sa social media. Kaya naman nakarating sa akin itong ginagawa ni Bacordo ay dahil sa mga sumbong na inire-relay ng mga kosa ko sa Calabarzon area, di ba Mr. Cris Ibon Sir? Dapat sigurong lumingon din si Bacordo sa pinanggalingan niya at baka may naapakan siya, di ba mga kosa? Baka naman may pinahihirapan kayo ng amo mong si Atty. Asuncion d’yan sa Calabarzon area kaya maraming sumbong laban sa inyo? Hindi ko naman maipangako na hindi ko na maisulat si Bacordo. Subalit kung wala namang reklamo laban sa kanila ng amo niyang si Atty. Asuncion, ano pa ba ang maisulat ko? Eh di wala, di ba mga kosa? Tungkol naman sa mga anak mo sa high school at kolehiyo, sana maintindihan nila na ito ay trabaho lang at walang personalan, di ba Heneral Luna Sir? Kung walang sumbong di kayo malalagay sa Supalpal! Kaya dapat ma-tining ang lakad, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

ANG

ASUNCION

BACORDO

BART TOBIAS

CALABARZON

CHIEF SUPT

CRUZ

KOSA

MGA

NAMAN

RYAN BACORDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with