^

Punto Mo

Bacteria na 3.5-M taon ang gulang, susi sa pagkakaroon nang mahabang buhay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING tao ang naghahangad na mabuhay nang matagal. Maraming humihiling na sana’y abutin sila ng 100 taong gulang o mahigit pa. Kaya kapag mayroon silang na-balitaan na gamot na naimbento umano para madagdagan ang haba ng buhay, gumagastos sila para rito. Kahit na mahal ay binibili nila ang gamot sa pag-asang madagdagan o humaba ang buhay.

Walang tigil ang pag-eeksperimento ng mga scientist kung paano makalilikha ng mga gamot, pagkain, inumin at iba pang bagay na maaaring makapagpahaba ng buhay.

Subalit sa kabila na advance na ang siyensiya at medisina, wala pa ring makitang pampahaba ng buhay. Mailap pa rin ito.

Hanggang may madiskubre ang mga scientist sa Russia na posibleng susi para magkaroon nang mahabang buhay ang tao.

Nadiskubre ng mga scientist ang isang uri ng bacteria sa Siberia na maaaring makapagbigay nang longevity o mahabang buhay. Isang kagila-gilalas daw ang kanilang natagpuan sapagkat ang bacteria ay may edad na 3.5 milyong taon.

Ayon sa mga scientist, isang highly resilient type ng bacteria ang kanilang natagpuan sa Siberia at tinawag nila itong Bacillus F.

Agad silang nagsagawa ng tests sa natagpuang bacteria. Sinubukan ito sa daga, langaw, pagkain at sa red blood cells at nakita ang malaking improvements.

Ayon kay Dr. Viktor Chernyavsky, nagbigay ng kakaibang active substances ang bacteria at na-activate ang immunes status ng mga ineksperimentong hayop.

Ayon pa sa scientist, ang matandang daga na ginamit sa eksperimento ay naging aktibo. Kagila-gilalas ang nangyari sa daga na para bang naging bata makaraang makatanggap ng bacteria.

Nagpapatuloy pa umano sila sa pag-eeksperimento at kapag marami pang napatunayan, ang bacteria nga ang sagot para magkaroon nang mahabang buhay.  Ito na ang tinatawag na “fountain of youth”.

Ayon pa sa mga scientist, makakatulong din ito para ma-improve ang kalagayan at kalusugan ng bawat tao habambuhay.

vuukle comment

ANG

AYON

BACILLUS F

BACTERIA

BUHAY

DR. VIKTOR CHERNYAVSKY

HANGGANG

ISANG

ITO

KAGILA

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with