^

Punto Mo

Sampaguita (156)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UBOS-LAKAS na itinulak ni Sampaguita si Levi. Itinodo niya ang lahat nang lakas. Sa lakas ng tulak, sumadsad si Levi sa sulok ng kubo at nabutas ang dingding na pawid. Pumasok ang katawan sa dingding kaya hindi makatayo si Levi. Pinagkaguluhan si Levi ng dalawang alagang aso nang lumusot ang katawan sa dingding.

Sinamantala ni Sam ang pagkakataon. Mabilis na tumayo, hawak ang bag at tinungo ang pintuan. Bago lumabas, nasulyapan niya ang nakasampay na tuwalya sa may pinto. Hinagilap at mabilis na naibalot sa katawan. Pagkatapos ay mabilis na lumabas at tumakbo sa kakahuyan. Kakaibang lakas ang nararamdaman niya. Parang hindi sumasayad ang mga paa niya sa lupa habang tumatakbo.

Pero kahit na gaano kabilis ang pagtakbo niya, mabilis pa rin ang mga aso ni Levi. Narinig niya ang mga kahol ng dalawang aso. Papalapit nang papalapit. Binilisan pa niya. Subalit mas mabilis ang mga aso.

Minabuti niyang tumigil para harapin ang dalawang aso. Ngayon niya masusubukan ang bisa ng mga mutya na nasa kanyang bibig. Parang kendi na pinaglaruan ng kanyang dila ang mga mutya. May kakaiba siyang nararamdaman. Parang nababalot siya ng kung anong kapangyarihan.

Hanggang sa matanaw niya ang mabilis na paglapit ng mga aso. Tumutulo ang laway ng mga ito na handa siyang lapain. Nakita niya ang mga matutulis na ngipin.

Pumikit si Sam. Nag-concentrate. Walang mangyayari sa kanya. Makakaligtas siya!

Hanggang mawala ang kahol ng mga aso.

Nagmulat siya ng mga mata. Dahan-dahan.

Hindi siya makapaniwala sa nakita! Nakaupo sa harapan niya ang dalawang aso. Parang maamong tupa na nakatingin lamang sa kanya. Biglang umamo ang mababangis na hayop.

Inutusan niyang bumalik sa pinanggalingan ang mga aso.

“Balik! Balik!’’

Tumayo ang mga aso at nag-uunahang bumalik sa pinanggalingan.

Hanggang may narinig siyang tawag.

“Sam! Sam!’’

Napalingon si Sam at ganun na lamang ang kanyang pagkabigla.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASO

BALIK

BIGLANG

BINILISAN

DAHAN

HANGGANG

HINAGILAP

MGA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with