^

Punto Mo

Sampaguita (153)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKITA ni Sampaguita sa loob ng kubo ang isang papag na higaan at sa dakong kanan ay ang abuhan at ang banggerahan na kinalalagyan ng banga at mga nakataob na pinggan at baso. Sa itsura ng banga ay halatang puno ito ng tubig. Lalong nanuyo ang lalamunan ni Sam.

Mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng banga para makasalok ng tubig at nang matighaw ang uhaw.

Pero bago siya nakara-ting sa kinaroroonan ng ba­n­ga ay biglang lumitaw si Levi. Iglap ay nasa harapan na niya ito.

“Huli ka!” sabi at parang demonyong nagtawa nang nagtawa. Parang nasisiraan na ng ulo si Levi.

Nagsisigaw si Sam dahil sa pagkabigla. Ang akala niya, ligtas na siya. Hindi pa pala. Narito ang hayup na si Levi at mukhang hindi na siya hahayaang makatakas pa.’

“Sinabi ko na sa’yo Sam, hindi ka makakalabas sa resort ko. Walang nakalabas nang buhay dito.’’

“Palabasin mo ako rito, Levi. Palabasin mo ako!’’

“Palalabasin kita rito pero pagkaraang pagsawaan ko ang katawan mo. Di ba ipinakita mo na yan sa akin nun, kaya titikman ko na ngayon. Ang tagal nang tiniis ko at hindi ako papayag na makatakas ka pa.’’

“Hayup ka Levi. Totoo ang sinabi ni Sir Manuel na sira ang ulo mo.’’

“Totoo nga. At ang sira ulong ito ang magpapaligaya sa’yo. Kapag napaligaya na kita, saka kita sesentensiyahan ---- ng kamatayan. At pagkatapos, itatapon ko ang katawan mo sa mga mababa-ngis na ahas. Tiyak na hindi ka na katatakutan ng mga ahas. Pagkakaguluhan na ang katawan mo, ha-ha-ha!’’

“Hayup ka Levi! Baliw ka nga. Tama si Sir Manuel, ikaw ang dahilan kaya namatay si Ylang-Ylang. Nagpakamatay siya dahil sa ginawa mong kahayupan.’’

‘‘Correction please, hindi siya nagpakamatay, pinatay ko siya. Itinulak ko sa bintana ng condo !’’

Shock si Sam. Kriminal pala ang taong ito. Baliw na nga! Psycho.

“Lahat nang babaing ka­tulad mo, dapat mamatay. Wala kayong kuwenta. Mga manloloko kayo. Lahat kayo pati ang mommy ko! Niloko ng mommy ko ang daddy ko. Pinagtaksilan niya ang daddy ko. Pumatol sa aming boy. Sa sariling kuwarto pa nila ng daddy ko ginawa ang kahalayan at kalaswaan. Dapat sa lahat nang mga babae, mamatay!’’

Kaya pala ganun ang ugali ng taong ito. Apektado ng mga masasamang nang­yari sa buhay. Kaya pala!

‘‘Halika rito!’’ Hinatak ni Levi si Sam. Nagpipiglas si Sam. Hanggang mabitiwan niya ang bag na kina­roroonan ng mga mutya. Bumagsak ang bag sa sahig.

Nagpipiglas si Sam at lalong nagalit si Levi. Hina­wakan nito ang damit niya sa bahaging may punit at hinaltak. Punit hanggang sa tapat ng suso. Nalantad ang bra.

Lumuwa ang mga mata ni Levi. Parang gutom na aso na nakakita nang malalapang. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BALIW

HAYUP

KAYA

LAHAT

LEVI

MGA

NAGPIPIGLAS

NANG

SIR MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with